Xander Ford nag-audition sa PBB; balik-iskul

By Ervin Santiago January 13,2018
share this

Xander Ford nag-audition sa PBB; balik-iskul

By Ervin Santiago January 13,2018
share this


MAY kumakalat na chika na nag-audition daw ang controversial internet sensation na si Xander Ford sa Pinoy Big Brother 2018.

Tahimik ngayon ang kapaligiran ni Xander matapos makatikim ng matitinding pamba-bash mula sa mga netizens last year dahil na rin sa ginawa niyang panlalait sa ilang kilalang celebrities, kabilang na riyan si Kathryn Bernardo.

Maraming fans ang nagtatanong kung ano na raw ba ang pinagkakaabalahan ng retokadong binata, bakit daw bigla siyang nawala sa eksena? Sa pagkakaalam namin, busy ngayon si Xander sa mga out-of-town and corporate shows.

Balita ring sasailalim muli sa isang procedure si Xander bilang bahagi pa rin ng ginawa niyang pagpaparetoke last year. Kabilang na nga rito ang pagpapakinis sa kanyang mukha.

Bukod dito, bumalik na rin daw sa pag-aaral ang binata at naka-enrol ngayon sa American Institute for English Proficiency.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending