Mami-miss ko Jacintha, para sa akin isa siyang hero!- Angel

By Reggee Bonoan January 13,2018
share this

Mami-miss ko Jacintha, para sa akin isa siyang hero!- Angel

By Reggee Bonoan January 13,2018
share this

ANGEL LOCSIN

INAKALA ni Jacintha Magsaysay (Angel Locsin) na tuluyan na niyang napatay sina Sandrino (Richard Gutierrez) at Tristan (Daniel Padilla) nang saksakin niya ang mga ito gamit ang pangil ng lobo.

Kaya nga nagpaalam na si Jacintha kay Malia (Kathryn Bernardo) at sinabing “tapos na” ang laban. Pero hindi pa pala dahil magsisimula palang ito sa muling pagkabuhay nina Tristan at Sandrino.

Hindi lang namin alam pa ang kuwento kung matatandaan pa rin ni Tristan si Malia bilang namatay na nga siya o baka mangyari na ang pangitain ni Jacintha bago siya namatay kung saan ipinakitang kinagat niya ang babaeng pinakamamahal niya kaya naging magkalaban sila.

Masaya na ang supporters ng KathNiel dahil nakatutok na sa kuwento nina Malia at Tristan ang mga susunod na episode ng La Luna Sangre.

‘Yun nga lang, kailangang mamili ang fans kung kanino sila papanig, kay Malia ba o kay Tristan?

Samantala, maraming supporters naman ni Angel ang nagpahayag ng kanilang kalungkutan dahil sa pagkawala ni Jacintha sa LLS, hiling nila sana raw ay bumalik ulit ang aktres sa panibagong karakter.

Inamin naman ni Angel na matinding challenging ang hinarap niya sa LLS, “Mami-mis ko si Jacintha. Isa siya sa pinaka-challenging at exciting role na nagawa ko sa buhay ko. Gusto ko yung hindi mo siya mabasa kung good or bad ba siya.

“For me Jacintha is a hero, ‘yung handa siyang i-sacrifice ang buhay niya para sa ikabubuti ng lahat,” aniya sa panayam ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending