Carmina emosyonal sa b-day ng anak na kambal

January 13,2018
share this

Carmina emosyonal sa b-day ng anak na kambal

January 13,2018
share this


TIMEOUT muna si Carmina Villarroel sa kanyang pagiging jolly and cheerful matapos maging sentimental nang batiin niya ang kanyang kambal na sina Casey at Mavy nang magbirthday ang mga ito.

Puro throwback photos kasi ng dalawang anak ang kanyang ipinost kalakip ang kanyang nakakaiyak na mensahe.

Aniya sa caption ng ipinost niyang mga photo sa Instagram: “I still wonder how I carried you both in my stomach for nine months. One will cry, the other one will be quiet, one will be asleep and the other one will be wide awake, one will be dry and the other one will be wet. Sometimes both of you will get hungry at the same time. Those memories will be forever precious and will always be in our hearts.”

Napakaswerte ng kambal sa pagkakaroon ng loving mommy like Carmina.

But unlike them, kaawa-awa naman ang kambal niyang anak na sina Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Pauline Mendoza) sa GMA Telebabad series na Kambal, Karibal. Paano kasi, masyadong nagpapadala sa galit at selos ang huli at ngayon nagnanais pa siyang sumanib sa ibang katawan ng tao para lang mabuhay uli.

In fact, usap-usapan pa rin online ang ginawa nitong pagsanib kay Crisan na siya ring kinahangaan ng mga Kapuso viewers kay Bianca. Nakakagulat daw talaga ang galing ng Kapuso actress, ayon sa mga comments ng netizens.

Pero ano pa kaya ang susunod na magaganap sa inaabangang serye sa primetime ng GMA, ang Kambal Karibal kung saan kasama pa rin sina Miguel Tanfelix, Jean Garcia, Christopher de Leon, Alfred Vargas, Marvin Agustin at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending