Kontrobersyal na aktres binigyan ng sariling bahay ang nag-ampon sa kanya

By Ronnie Carrasco III January 13,2018
share this

Kontrobersyal na aktres binigyan ng sariling bahay ang nag-ampon sa kanya

By Ronnie Carrasco III January 13,2018
share this


MORE often than not, we need not look for news to write about. It comes to us.

Makaraan ng mahaba-haba ring panahon ay binalikan namin kamakailan ang aming paboritong tambayan sa aming lugar sa Pasay City. For many years, it had served as our second home, du’n din kasi namin dinadala ang aming writing jobs.

Muli ay nakakuwentuhan namin ang may-ari nito who slightly shares our spinal problem pero mas sumentro ang aming usapan sa kanyang kumare, adoptive mother ng isang kontrobersiyal na aktres from a twice failed relationship.

Inaanak kasi ng ina ng aktres ang isa sa dalawang anak ng aming female friend. Their friendship dates back noong nasa kolehiyo pa sila.

Du’n namin nadiskober na may-kaya pala ang nag-aruga sa aktres, meron din kasi silang negosyong kainan sa Binondo. Pero sa kung anong dahilan ay hindi ito nagkaanak.

Ang pagsulpot ng noo’y pagkaganda-gandang sanggol sa buhay ng ‘di magkaanak na kumare ng aming kaibigan ay bunga ng pagbubuntis ng isa niyang waitress.

Nang mamatay ang waitress ay inampon na niya ang aktres. Kelan lang ay muling nag-ampon ng isa pang ‘di kadugo ang babae, na ang balita ng aming kaibiga’y ngumiwi ang mukha dulot ng stroke.

Adopted child man ang aktres ay itinuring nitong mula ito sa kanyang sinapupunan. Napalaki’t naitaguyod niya ito nang maayos, at lumaki namang mapagmahal ang aktres sa kanyang kinagisnang ina.

In fact, out of her showbiz earnings ay naibili na siya ng aktres ng marangyang bahay.

Binibiro nga ng adoptive mother ang kanyang kumare. May anak kasi ang aming kaibigan na isang certified bachelor. Galing sa maayos na pamilya, a business degree holder from one of the country’s most reputable universities, self-made, career-driven at magalang pa.

We should know dahil naging malapit na rin kami sa dalawang anak (isa roon ay pulis) ng mismong may-ari ng resto-bar na ‘yon sa Pasay City.

Nirereto ‘ika nga ng adoptive mother ang kanyang anak sa kinakapatid niya bale. Sabi namin ay walang masama, baka nga ‘yun na ang suwerte ng aktres na makalawang beses nang nakaranas ng kabiguan sa pag-ibig.

Of her two much-vaunted showbiz relationships ay mukhang mas matindi ang huli. Nakatagpo na rin kasi ng ibang minamahal ang aktor niyang ex-BF na saksakan nang husay sa pag-arte.

Sa mga post kasi ng aktres sa kanyang social media account, bagama’t bumilang na rin nang ilang buwan mula nang magkahiwalay sila’y she doesn’t seem to have moved on.

Ramdam pa rin ng balana ang pait at sakit dulot ng kanilang separation, her often cryptic posts with a tinge of bitterness.

Sana nga’y ngayong 2018 bilang Year of the Dog (Feb. 16) ay muling “kumahol” ang magandang kapalaran para sa aktres sa larangan ng pag-ibig. Need we name her?

q q q

Business as usual, ‘ika nga, ang Celebrity Bluff mamayang gabi. Bilang opening salvo, the Saturday comedy game show continues its commitment to provide fun and laughter like no other program can offer.

Making a go para sa kalahating milyong pisong jackpot prize sina Rey “PJ” and Carla Abellana, Glydel Mercado and Katrina Halili and Yna Asistio and Gabbi Garcia.

Kasama ng master bluffer na si Edu Manzano, pitching their share of bluffing skills and kakulitan are Boobay and Brod Pete.

Alin kaya sa tatlong koponan will laugh its way to the bank? Abangan!

Speaking of Edu, tuwang-tuwa pa rin ang viewers sa kanya dahil until now ay malakas pa rin ang kanyang karisma sa masa. At nagkakaisa sila sa pagsasabing, malaking bentahe ang presence niya sa CB.

Panalo rin sa manonood ang mga punchline at hirit ni Boobay, lalo na kapag nakikipagsagutan na siya sa mga contestants.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending