Kris kay Bistek: Let’s get married!

By Bandera January 12,2018
share this

Kris kay Bistek: Let’s get married!

By Bandera January 12,2018
share this

Sign na siguro na talagang naka-move on ka na pag kaya mo ng makipagbiruan kay ex gaya nga ng ginawa ni Kris Aquino kay QC Mayor Herbert Bautista.

Nagkakitaan uli ang dating magkarelasyon sa kasal ng yaya nya na si Raquel Luntayao at ng boyfriend nitong si Junaries Confesor.

Si Mayor Bistek ang nag-officiate sa kasal ng dalawa.

Sa shinare na video ng Queen of All Media sa kanyang Youtube page, mapapanood sa isang part ang batian ng dalawa kung saan after sinabi ni Kris na “Let’s go. Let’s get married.”

Napalingon naman si Herbert at natatawang inulit ang sinabi ni Kris.

Pagkatapos ng kasal nagbiro naman uli si Kris ng: “Siya tinuloy nya yung kasal, ikaw hindi.” habang natatawa si Herbert.

Matatandaan noong nagkaroon ng plano na magpakasal ang dalawa. Sinabi din ni Kris sa kanyang online show na si Bistek ang paburito nya sa lahat ng kanyang mga ex.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending