Bus vs FX: 3 patay

By John Roson January 12,2018
share this

Bus vs FX: 3 patay

By John Roson January 12,2018
share this
Tatlo katao ang naiulat na nasawi at may ilan pang nasugatan nang masalpok ng pampasaherong bus ang isang FX sa Puerto Princesa City, Palawan, Biyernes ng umaga.
Naganap ang insidente sa Brgy. Sta. Cruz, dakong alas-9, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police.
Sangkot sa insidente ang isang San Isidro bus na bumibiyahe pa-hilaga patungong city proper, at isang FX na nakahinto sa gilid ng kalsada’t nakaharap sa direkyon ng Brgy. Salvacion, aniya.
Nasalpok ng bus ang harap ng FX habang binabagtas ang pababang kurbada sa Sta. Cruz.
Dahil dito’y nahulog ang mga pasahero ng FX sa kanal, ani Tolentino, gamit bilang basehan ang inisyal na ulat na nakarating sa kanyang tanggapan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending