Problemado sa GF na panay ang salon, spa

By Beth Viaje January 12,2018
share this

Problemado sa GF na panay ang salon, spa

By Beth Viaje January 12,2018
share this

HELLO po Ateng Beth,

Ako po si Leo ng Aklan. Naririto po ako sa Maynila, family driver. Nais ko pong isangguni ang problema ko sa asawa ko na may ibang lalaki.

Leo ang Zodiac sign niya ako naman ay Sagittarius.
Leo

Hello Leo,
At ano naman ang kinalaman ng panlalalaki ng asawa mo sa zodiac sign ninyo?

Anong gusto mong gawin ko sa problema mo? Maging Manang Bola ako at hulaan kung anong pwedeng mangyari sa inyo ni misis.

Kuya, ang pinakamainam na gawin diyan ay kausapin mo siya. Kung talagang hindi na maibabalik sa dati ang relasyon ninyo, e, hayaan mo na siya. Kahit sino naman ay hindi deserve ang kaparehang taksil.

Di ka bilib sa payo ko, eto tanong ko ulit sa iyo? Hihingi ka ba talaga ng payo o magpapahula?

Kurutin ko singit mo eh!!

Ateng Beth

***

Magandang araw Ateng Beth,

Anong gagawin ko dito sa GF ko, wala na yatang ginawa sa buong isang linggo kundi magpaganda.

Laging laman ng parlor at spa. Hindi naman siya humihingi ng panggastos sa akin, pero pano na pag mag-asawa na kami? Baka ganito pa rin lifestyle niya, di ko afford yun. Anong payo mo?

-Renzo, Pasig City

 

Hello Renzo!

Sa totoo lang natawa ako sa problema mo.

Bakit mo pinalalaki ang isyung ‘yan, bakit hindi mo na lang ipagtayo ng negosyong salon ang GF mo, kuya, para wala kang problema na nasa salon siya maghapon?!

Mag-isip ka, paano na nga pag mag-asawa na kayo? So bakit di mo sya tanungin? Baka may mga insecurities si ate na pwede mong matulungan.

Kasi di ba kaya naman nagpapasalon ang isang tao o babae dahil gusto niyang magmukhang maganda o mawala ang stress nya.

So instead na mamroblema ka kung afford mo o hindi ang spa at salon nya, baka kailangan mo lang i-appreciate ang ganda at galing ng pagkatao ni GF. Kailan ba sya huling nakarinig ng positive na reaction sa yo? Ano ba ang mga bagay na nakaka-stress sa kanya? Ano ang pwede mong magawa para mabawasan ang stress nya? May problema ba syang hindi nya masabi sa yo? Bakit hindi nya masabi sa yo? Nakikinig ka ba sa kanya o nagrereklamo sa mga reklamo nya?

Yun ang alamin mo at tiyak mababawasan ang pagsa-salon at pag-spa ni ate.

Ateng Beth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending