Horoscope, January 12, 2018

By Madam Sophia January 12,2018
share this

Horoscope, January 12, 2018

By Madam Sophia January 12,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Upang maraming suwerteng dumating, pahahalagahan ang ispiritual na bahagi ng buhay. Ugaliing magdasal tuwing umaga upang lalo pang dumami ang pera at sa pakikipagrelasyon ay lalo pang lumigaya. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo na mag-practice kayo ng yoga. Mapalad ang 7, 13, 22, 31, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhagava-Om-Githa.” Blue at purple ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa taong ito ng 2018, ituring na ang bawat araw ay siya na ring huling araw. Sa pinansiyal, lalo mo pang pagbutihin ang pag-iipon at pagpapalago ng kabuhayan. Sa pag-ibig, now na ang panahon upang ibigay sa kasuyo ang pinakamasarap na romansa. Mapalad ang 3, 18, 27, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Surya-Aum-Aum-Surya.” Violet at lilac ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Kapag muling nakahawak ng malaking halaga ay unahing maglaan ng budget para sa savings bago maubos ang pera. Sa pag-ibig, simulang iguhit sa malinis na papel ang pangarap n’yong house and lot ng iyong kasuyo. Mapalad ang 6, 15, 18, 27, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Om.” Blue at pink ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Wag damdamin ang pagkawala ng pera, babalik din ‘yan! Sa buwan ng Pebrero ay mas marami at mas sagana ang matatanggap. Sa pag-ibig, hindi dapat lokohin ang kusuyo, manatiling tapat, bago mahuli ang lahat. Mapalad ang 5, 7, 18, 24, 40, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Om.” Green at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa taong ito ng 2018, lakas-loob ang kailangan! Sa pananalapi, sugod nang sugod hanggang sa yumaman! Sa pag-ibig, hindi dapat mahiya sa kasuyo, romansahin mo nang romansahin upang matigil na ang kanyang paghihinala at pagseselos. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Red at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — May sopresang matatanggap sa taon ito ng 2018, mula sa mga taong nagmamahal sa iyo! Sa pinansiyal, tuloy ang pagdami ng salapi. Sa pag-ibig, ang kasalukuyan tampuhan ay magbubunga ng masarap na romansa sa susunod na mga araw. Mapalad 4, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omvid-Hunam-Om.” Yellow at gold ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Kulang pa ang pagsisikap kaya sa taong ito ng 2018 ay itodo ang mga pagkilos hanggang sa ikaw ay yumaman. Sa pag-ibig, gawing inspirasyon ang kasuyong malambing. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 42, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.” Red at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Bigyan ng kakaibang pansin ang kasuyo upang hindi na magmaktol. Yayaing manood ng sine upang kapwa naman kayo malibang. Sa pinansiyal, sa taong ito ng 2018 ay tuloy ang pagdating ng bulto-bultong salapi. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Ananda.” Pink at blue ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Doblehin pang lalo ang mga pagsisikap na ginawa noong nakaraang taon. Wag babagal-bagal upang mas mabilis na yumaman. Sa pag-ibig, susunod lang nang susunod sa iyo ang kasuyo, pero wag mong masyadong utusan baka makahalata na puro siya na lang siya gumagawa. Mapalad ang 7, 16, 25, 32, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Aum.” Green at yellow ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mag-relaks upang hindi maaburido sa buhay. Magluto ng bangus na inihaw na ibinalot sa dahon ng saging. Sa pag-ibig, sa salo-salong pagkain, lalong magiging romantiko ang relasyon. Mapalad ang 3, 9, 12, 23, 30 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Rama-Govinda.” Red at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa taong ito ng 2018, hindi masamang magkuripot kung ito ang magiging daan upang yumaman. Sa pag-ibig, bawasan ang madalas na paglilibre sa kasuyo, minsan siya naman ang dapat na maging taya. Mapalad ang 4, 12, 23, 31, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Garuda-Om-Arjuna.” Green at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa taong ito ng 2018, wag mong saktan ang iyong sarili. Hindi ka dapat magsakripsiyo sa isang taong hindi ka naman pinahahalagahan. Sa pinansiyal, tuloy ang hindi panatag na dating ng salapi kaya dapat na magtipid-tipid. Mapalad ang 9, 18, 27, 36, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om.” Orange at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Ihanda ang sarili! Sa taong ito ng 2018, mas malalaking suwerte ang darating lalo na sa buwan ng Abril hanggang Mayo. Sa pag-ibig, sa simula lang magiging malungkot ang taon, pagdating ng kalagitanaan ng taon ay muling liligaya ang puso at puson. Mapalad ang 7, 19, 29, 31, 36. At 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum.” Red at violet ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending