Relasyon ng Jadine mas tumibay; planong mag-travel sa 2nd Anniv

By Ervin Santiago January 12,2018
share this

Relasyon ng Jadine mas tumibay; planong mag-travel sa 2nd Anniv

By Ervin Santiago January 12,2018
share this

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

SIGURADONG ikagugulat ng mga JaDine fans ang mga pasabog na gagawin nina James Reid at Nadine Lustre sa kanilang pre-Valentine concert under Viva Live.

Todo na ang ginagawang paghahanda ng dalawang Kapamilya stars sa pagbabalik nila sa concert scene ngayong 2018. Titled “Revolution The JaDine Concert”, magaganap na ito sa Feb. 9 sa Smart Araneta Coliseum, directed by Paul Basinillo with Dance Director Teacher Georcelle at sa musical direction ni Jay Agustin.

Ayon kay James, kakaibang experience daw ang ibibigay nila sa kanilang mga fans sa kanilang pagbabalik on stage, “It’s going to be like watching a film while you are in concert at the same time.”

Sey naman ni Nadine, “Meron po kaming times na solo spot, and meron din siya (James). And of course marami rin po kaming mga guest.” Ilan sa mga makikihataw at makiki-celebrate ng love month sa JaDine at sina Sarah Geronimo, Sam Concepcion, Kiana Valenciano, Bret Jackson at ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Nang tanungin tungkol sa balitang magkakanya-kanya muna sila ng landas this year when it comes to their career, ito ang eraksyon ni James, “I think it is really time to just do our own thing coz we’ve grown so much as a love team, but we know we have or can do so much more and we wanna show to people that we can really branch out and stand alone.

“We know we’re effective together, but we wanna prove that we’re also effective separately,” sey ng hunk actor.

Dagdag naman ni Nadine, “We grew so much together as a love team and a couple na rin po and then we also need to grow ng kami lang na sarili naming, na hindi kami magkasama as a person din and as an artist din as well.”

Ilan sa mga solo projects ni James ay ang remake ng pelikulang “Pedro Penduko” at “Miss Granny (20 Again)” with Sarah G. Si Nadine naman ay bibida sa dalawang pelikula, ang romcom na “Ulan” at ang suspense-thriller na “Nurse”. This year din naman gagawin ng dalawa ang kanilang reunion movie na “Never Not Love You”.

Ano naman ang plano nila sa nalalapit nilang anniversary bilang couple, “Hopefully, we’d like to travel but we’ll see how our schedules are, because we have a lot to finish here,” tugon ni James.

When asked about their relationship now, “Very strong. I guess, matagal na rin ang relasyon namin and we’re getting more comfortable.”

Para sa lahat ng JaDine fans, maaari kayong makabili ng ticket para sa “Revolution The JaDine Concert” sa Ticketnet (911-5555) o sa Viva Live (687-7236).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending