JC Santos hiwalay na sa dyowang stage actress: Career ang rason! | Bandera

JC Santos hiwalay na sa dyowang stage actress: Career ang rason!

Reggee Bonoan |January 12,2018
facebook
share this

JC Santos hiwalay na sa dyowang stage actress: Career ang rason!

Reggee Bonoan - January 12, 2018 - 01:15 AM

JC SANTOS AT RYZA CENON

NAGKATOTOO ang hula namin at ng ilang katoto na hindi magtatagal ang relasyon nina JC Santos at stage-actress na si Teetin Villanueva.

Balik-tanaw lang bossing Ervin, una naming nakita ang girlfriend ni JC sa press night ng musical play ni Yeng Constantino, ang “Ako Si Josephine, The Musical” sa PETA Theater.

Nakita naming nanood si JC pero agad ding umalis dahil may taping pa yata siya noon para sa Till I Met You kasama sina Nadine Lustre at James Reid.

Pagkatapos ng play ay nagtatakbong lumabas ng teatro si Teetin at hinahanap si JC, sa katunayan ay tinatawag pa niya ang pangalan ng aktor pero may nagsabing nakaalis na. Kitang-kita namin ang naging reaksyon ng dalaga.

Isinulat namin ang senaryong iyon pero pinabulaanan ni Teetin. Sa pakikipag-chat namin sa ex-girlfriend na ngayon ni JC ay binanggit naming may witness kami na nakakita sa kanya pero matigas pa rin ang kanyang pagtanggi.

Ang alam kasi namin ay hindi pa puwedeng malaman ng publiko noon na may girlfriend si JC kasi nga gumagawa palang ito ng pangalan sa showbiz.

Naloka lang kami sa kanya dahil uma-attitude agad. Anyway, dinedma na namin siya hanggang sa may mga balitang lagi na lang silang nag-aaway ni JC dahil daw wala ng panahon sa kanya ang binata.

Ang alam namin, pangarap din ni Teetin Villanueva na makapasok sa mainstream showbiz, sa katunayan nagkaroon pa siya ng cameo role sa seryeng Be My Lady at nakasama na rin siya sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

***

Huling kita namin sa ex-girlfriend ni JC ay nang mag-guest sila sa Magandang Buhay noong Marso, 2017. Finally ay ipinakilala na rin siya ng aktor sa publiko kaya naman kitang-kita sa mukha niya ang sobrang kaligayahan.

Pero heto na, wala pang isang taon pagkatapos silang mapanood sa telebisyon ay naghiwalay na rin.

Anyare? Technically, four years na silang magkarelasyon.

Kaya nu’ng aminin ni JC sa presscon ng pelikulang “Mr. & Mrs. Cruz” na wala na sila ni Teetin ay hindi na kami nagulat. Nabanggit ng aktor na “career” ang dahilan ng paghihiwalay nila.

“It’s about the career, in general. Sa ngayon kasi, it’s a different priority, e. We’ll see kung kami and it’s meant to be. Kung hindi, hindi. Kaya naman niya ‘yung pressure, pero it’s just… different path ‘yung napuntahan namin. And we agree to separate,” paliwanag ng leading man ni Ryza Cenon sa “Mr. & Mrs. Cruz.”

Sabi ng nakararami kapag parehong nasa showbiz ang magkarelasyon ay hindi magtatagal, pero depende pa rin naman siguro kung parehong nagsu-suportahan ang isa’t isa lalo na kung parehong sikat na.

Sa kaso kasi nina JC at Teetin, napag-iiwanan na ang huli kaya siguro mas tumindi pa ang insecurity nito sa kanyang boyfriend.

As of now ay wala kaming alam na nililigawan o type ni JC dahil prayoridad nga niya ang career, dumarami na kasi ang mga offer sa kanya lalo na ngayong 2018.

Naalala tuloy namin ang eksena ni JC sa “Mr. & Mrs. Cruz” kung tinapon niya ang wedding gown ng kanyang fiancée dahil iniwan siya. Naka-relate kaya rito ang aktor?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Mr. & Mrs. Cruz” sa Enero 24 under Viva Films at line produced ng IdeaFirst Company mula sa direksyon ni Sigrid Andrea Bernardo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending