'Walang pwedeng kumontra sa tagumpay ni Vice sa MMFF!' | Bandera

‘Walang pwedeng kumontra sa tagumpay ni Vice sa MMFF!’

Cristy Fermin |January 12,2018
facebook
share this

‘Walang pwedeng kumontra sa tagumpay ni Vice sa MMFF!’

Cristy Fermin - January 12, 2018 - 12:40 AM

VICE GANDA AT COCO MARTIN

KWENTO ng mga kababayan nating matagal nang naninirahan at nagtatrabaho sa iba-ibang bansa ay malalaman mo agad-agad kapag nasa paligid lang si Vice Ganda.

Very loud kasi ang character ng primerang komedyante, maingay siya, kaya malalaman mo agad kapag nandiyan lang siya.

Kahit saan mo siya dalhin ay bitbit ni Vice Ganda ang kanyang kaingayan. Hindi paghahanap ng atensiyon ang tawag du’n, ano pa bang atensiyon ang kailangan niya ngayong sikat na sikat na siya, ‘yun ang naturalesa ni Vice Ganda.

Hindi siya puwedeng basta manahimik lang, maingay talaga ang komedyante-TV host, kahit may masakit sa kanya ay gagawa at gagawa pa rin siya ng ingay.

Maligaya ngayon ang komedyante dahil kahit wala pang opisyal na pahayag ang pamunuan ng MMFF ay ang kanyang pelikula ang humataw nang husto. Number one ang kanyang pelikula at balitang pinangalawahan naman ng “Ang Panday” ni Coco Martin ang labanan.

Kahit sabihin pa ng iba na wala namang bago sa pelikula ni Vice Ganda ay hinusgahan na ‘yun ng bayan, ang pelikula niya ang nanguna, at hindi natin makokontra ang tagumpay ni Vice Ganda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending