Diego nag-sorry matapos mag-viral ang hubo’t hubad na litrato: Aksidente lang!

By Ervin Santiago January 11,2018
share this

Diego nag-sorry matapos mag-viral ang hubo’t hubad na litrato: Aksidente lang!

By Ervin Santiago January 11,2018
share this

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

HUMINGI ng paumanhin ang Kapamilya young actor sa lahat ng na-offend sa kumalat na huba’t hubad na litrato niya sa social media, lalo na sa kanyang mga batang followers.

“Unang-una gusto kong humingi ng sorry sa lahat ng nabastos. I have followers who are maybe young and iba hindi makaintindi. Actually, as soon as I found out it was posted I deleted it. It was an accident and I’m very sorry,” paliwanag ni Diego sa panayam ng Tonight With Boy Abunda kamakalawa.

Esplika ng ka-loveteam ni Sofia Andres sa afternoon series na Pusong Ligaw na matatapos na bukas, “It’s a Swedish and Finnish culture that you go into the hot tub in the middle of the night butt naked. Kailangan talaga butt naked.”

Nagsisimula raw ang cultural practice na ito sa isang selebrasyon at magtatapos sa isang “sauna.” Ani Diego, “Then hot tub in the snow. So hot tub while it’s pouring snow outside. And my Mom was there the whole time.”

Hirit pa ni Diego, “And the thing that was posted wasn’t a photo. It was a one second video na I can show you after this interview. There was a mirror in front of me and I panned the camera down.

Nahagip, so I said okay delete. It’s cold e hands are freezing. Wala sa isip ko, I accidentally pressed My Story, instead of the X next to it.”

In fairness, dahil sa nude photo na iyon ni Diego ay mas lalong dumami ang mga beking nagpapantasya sa kanya. Kaya naman maraming fans niya at ni Sofia ang nalulungkot dahil matatapos na ang Pusong Ligaw. Sey ng ilang Sofiego supporters, mami-miss nila sina Vida at Potpot na ilang buwan din nilang sinubaybayan tuwing hapon sa Kapamilya Gold.

Kaya sa lahat ng naadik sa Pusong Ligaw, kailangang abangan n’yo ang pasabog na ending ng serye ngayong Biyernes after It’s Showtime at alamin kung ano nga ba ang magiging katapusan nina Jaime (Raymond Bagatsing) at Marga (Bianca King).

May happy ending pa bang naghihintay kina Caloy (Joem Bascon) at Tessa (Beauty Gonzales)?
Samantala, busy din ngayon si Diego pati na rin si Sofia sa promo ng kanilang pelikula, ang “Mama’s Girl” under Regal Films kung saan makakasama rin nila si Sylvia Sanchez.

Kakaibang pakilig naman ang handog ng Sofiego sa pelikulang ito na showing na sa Jan. 17 nationwide, directed by Connie Macatuno. Kasama rin dito sina Jameson Blake, Yana Asistio, Karen Reyes, Arlene Muhlach, Alan Paule at marami pang iba.

Dito mapapalaban sa aktingan sina Sofia at Diego kay Ibyang na subok na ang galing sa pag-arte. Para rin ito sa lahat ng mag-ina sa buong universe.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending