P7.8M nasungkit sa Isabela | Bandera

P7.8M nasungkit sa Isabela

Leifbilly Begas |January 10,2018
facebook
share this

P7.8M nasungkit sa Isabela

Leifbilly Begas - January 10, 2018 - 06:51 PM

Isang mananaya sa Isabela ang nanalo ng P7.8 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 sa bola kagabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office isa lang ang nakakuha ng winning number combination na 07-11-27-28-42-34.
Ang nanalo ay tumaya sa Baligatan Public Market, Ilagan, Isabela. Lucky pick ang kanyang tinayaan, o ang lotto machine ang pumili ng numero para sa kanya.
Siya ay mayroong isang taon para kunin ang kanyang premyo.
Nanalo naman ng tig-P20,340 ang 29 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P350 naman ang 1,315 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 19,570 mananaya na nakatatlong numero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending