Mccoy nakaakyat sa andas, nakahalik sa Itim na Nazareno | Bandera

Mccoy nakaakyat sa andas, nakahalik sa Itim na Nazareno

Ervin Santiago |January 10,2018
facebook
share this

Mccoy nakaakyat sa andas, nakahalik sa Itim na Nazareno

Ervin Santiago - January 10, 2018 - 04:09 PM


MALUHA-LUHA si Hashtag Mccoy de Leon matapos makiisa sa Traslacion, o ang taunang prusisyon ng Itim Na Nazareno kahapon.

Ipinost pa ni Maccoy ang litrato ng kanyang putikang mga paa sa Instagram kasabay ng pasasalamat dahil nakaakyat din siya sa andas at nahalikan pa ang Poong Nazareno.

“Dalawang halik sa krus mo at nahawakan ko pa ang kamay mo. Ito ay isa sa pinaka kakaibang nagawa ko sa buong buhay ko. Natulala lang ako nung nasa taas ako habang naka tingin lang sayo at hindi na inda lahat ng sakit sa katawan bago sumampa. Maraming salamat lahat salamat dahil hinayaan mo kong makalapit sayo Poong Nazareno. Mahal ka po namin.

“Salamat sa mga nakasama ko na tinulungan ako pag sampa sa mga taga Wagas Batang Ibarra. Sa mga kaibigan ko at syempre sa Daddy ko,” ang caption ng binata sa kanyang IG photo.

Bukod kay Mccoy ang isa pang kilalang celebrity na nakaakyat sa andas ay si Angeline Quinto na kilala ring deboto ng Black Nazarene.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending