Si Mayor todo papogi sa barangay officials

By Den Macaranas January 10,2018
share this

Si Mayor todo papogi sa barangay officials

By Den Macaranas January 10,2018
share this

HINDI pa rin mapalagay hanggang ngayon ang isang Metro Manila mayor dahil alam niyang kasama siya sa narco list ni Pangulong Duterte.

Bilang proteksyon sa kanyang buhay at pangalan, todo ang ginagawa niyang pakikipagkaibigan sa mga barangay officials sa kanilang lugar.

Umaasa kasi siya na ito ang kanyang magiging proteksyon sa pamamagitan ng suporta na ibibigay ng kanyang mga opisyal ng barangay.

Kumuha rin ang alkalde ng ilang public relation experts para i-promote ang kanilang lungsod bilang investor’s haven.

Ito ay para takpan ang katotohanan na malaking quantity ng umiikot na ilegal na droga sa Metro Manila ay galing sa mga drug pushers sa kanyang nasasakupang lalawigan.

Sinabi ng ating Cricket na ilang buwan makaraang ilunsad ni Pangulong Duterte ang kanyang war on drugs noong nakalipas na taon ay ilang buwang nanatili sa labas ng bansa si mayor kasama ang kanyang misis.

May nasagap kasi siyang balita na ilalabas ni Duterte ang kanyang pangalan bilang pangunahing target ng kampanya laban sa droga ng pangulo.

Pero paano ba nasangkot sa droga ang pangalan ng alkalde?

Sinabi ng aking Cricket na nasa kolehiyo pa lamang si Sir ay gumagamit na ito ng droga.

Sa nakalipas na mga taon ay napalapit siya sa isang grupo ng mga illegal drug suppliers.

Sa kanyang mga unang taon sa pulitika ay ang grupong ito ang tumulong sa kanyang kandidatura kaya nang manalo siya bilang konsehal hanggang sa naging mayor ay hindi siya pinabayaan ng mga ito lalo na sa financial support.

Ilang panahon rin siyang nagpalamig lalo na nang masabat sa kanyang lungsod ang isa sa pinaka malaking illegal drug haul sa kasaysayan.

Noong nakalipas na Pasko ay sinasabing nagpaulan rin si Mayor ng sangkatutak na regalo sa kanyang mga barangay officials.

Ang opisyal na hiningi ang suporta ng kanyang mga barangay officials para pabanguhin ang kanyang imahe sa publiko ay si Mayor B…as in Bola.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending