Hugot ni Angelica: Feb. 14 ang Araw ng mga Patay! | Bandera

Hugot ni Angelica: Feb. 14 ang Araw ng mga Patay!

Ambet Nabus |January 10,2018
facebook
share this

Hugot ni Angelica: Feb. 14 ang Araw ng mga Patay!

Ambet Nabus - January 10, 2018 - 12:25 AM


HAYAN tuloy, nabuhay ang lumang tsismis na diumano’y niloko ni John Lloyd si Angelica Panganiban.

Kasi nga raw, nagkaroon na sila ng pagkakaunawaan uli after ng kanilang break-up as proven by numerous visits at pagpapadala ng food ni Angelica noon sa working places (taping or movie shoots) ni Lloydie.

Kumbaga, unti-unti na sana nilang binubuo ulit ang kanilang nasirang relasyon, pero bigla ngang pumasok sa eksena si Ellen Adarna, na naging close lang kay Lloydie nang makatrabaho niya ito sa isang sitcom.

May nabasa nga kaming interview kay Angelica tungkol dito, para sa kanya, ang Valentine’s Day daw ay Araw ng mga Patay. “Kalendaryo? Ayokong tinitingnan ‘to eh lalo na ‘yung ‘Araw ng mga Patay’, alam mo kung kailan ‘yun? February 14, Valentines, malungkot talaga.

“At tsaka noong February 14 nagulat na lang ako eh, last year, okay naman kami tapos bakit iba ‘yung ka-date niya,” ang hugot pa ni Angge.

Ibig sabihin, pinaasa lang ni JLC si Angelica na may “forever” sa kanilang dalawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending