Aljur sa pakikipag-ayos kay Robin: Gagawin ko lahat para sa anak ko! | Bandera

Aljur sa pakikipag-ayos kay Robin: Gagawin ko lahat para sa anak ko!

|January 09,2018
facebook
share this

Aljur sa pakikipag-ayos kay Robin: Gagawin ko lahat para sa anak ko!

- January 09, 2018 - 05:15 PM


IPINAGDARASAL ni Aljur Abrenica na darating din ang tamang panahon para maging close sila ng tatay ni Kylie Padilla na si Robin Padilla.

Natutuwa ang Kapamilya hunk actor na love na love ni Binoe ang anak nila ni Kylie na si Alas Joaquin.

Naniniwala rin siya na magiging mabuting lolo ang action star sa panganay niyang anak.

Unang nagkasama sina Binoe at Alas sa first birthday party ng anak nina Robin at Mariel Rodriguez na si Isabella, ngunit si Kylie lang ang naroon dahil hindi siya nakarating due to prior commitment.

“Happy. Masaya ako kasi ang unang nakasama ni Alas yung family side ko eh. Nakita ko yung happiness ng parents ko,” ani Aljur nang makachikahan namin sa presscon ng bago niyang serye sa Kapamilya Network, ang Asintado kasama sina Julia Montes, Paulo Avelino at Shaina Magdayao, na magsisimula na sa Jan. 15.

Pagpapatuloy pa ng hunk actor, “Nung nakita ko yun at nu’ng naramdaman ko yun, gusto ko rin na maramdaman ni Kylie yun. So nu’ng nagkita-kita sila eh masaya.”

May isa pang hiling si Aljur para kay Alas, “Meron pa nga akong target eh, yung mom niya. Sana magkita rin sila kasi hindi niya pa nakikita eh,” na ang tinutukoy ay ang mommy ni Kylie na si Liezel Sicangco na naka-base na sa Australia.

Siyempre, umaasa rin at nagdarasal si Aljur na very soon ay sila naman ni Robin ang magkaka-bonding, “I’m hopeful. Hopeful ako na lahat ng para sa ikabubuti ng anak ko mangyari.”

Hanggang ngayon kasi ay balitang hindi pa rin nagkakasundo sina Binoe at Aljur.

Samantala, speaking of Asintado, muling mapapasabak si Aljur sa drama at action sa bagong handog na ito ng Dreamscape Entertainment.

“Suwerte talaga sa akin ‘yung anak ko. Hindi lang para sa akin. Sa lahat ng tatay ito, eh. Ang mga bagong tatay, gagawin lahat para maibigay mo lahat sa anak mo,” aniya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending