Sofia Andres takot na takot kay Sylvia Sanchez | Bandera

Sofia Andres takot na takot kay Sylvia Sanchez

Reggee Bonoan |January 10,2018
facebook
share this

Sofia Andres takot na takot kay Sylvia Sanchez

Reggee Bonoan - January 10, 2018 - 12:30 AM


SA ginanap na grand presscon ng “Mama’s Girl” nina Sylvia Sanchez at Sofia Andres handog ng Regal Entertainment ay inamin ng huli na natakot siya noong unang makilala ang gaganap na nanay niya sa pelikula.

“Honestly po, intimidated po ako, pero nu’ng nag-work na kami sa first day, sobrang gaan ng loob ko kay tita (Sylvia) kasi talagang parang nanay ‘yung dating niya talaga. Saka hindi ako nahirapang mag-connect sa kanya. Inaalalayan niya ako sa mga eksena,” kuwento ng batang aktres.

Dugtong ni Ibyang, noong hawakan nga niya ang mga kamay ni Sofia ay nanlalamig at nanginginig pa.

“Sinabihan ko na huwag siyang matakot, mukha lang akong impaktita pero hindi at kailangan naming maging close kasi mag-ina ang role namin sa Mama’s Girl,” ani Sylvia.

At dahil nagkaroon na ng bonding moments sina Sylvia at Sofia ay talagang okay na okay na ang dalawa at panay nga ang yakap ng dalaga sa nanay niya sa nakaraang presscon ng “Mama’s Girl”.

Kaya ang tanong kay Sofia ay kung Mama’s Girl ba siya sa totoong buhay, “Opo, mama’s girl po, eversince po nu’ng bata ako hanggang ngayon. Halos lahat kasi siya (mama niya) ‘yung nagde-decide for me, so malaking tulong siya sa bahay ko.”

Kapag sinabing mama’s girl ba ay lahat-lahat ay sinasabi ni Sofia sa ina maski ang tungkol sa lovelife niya at sa ka-loveteam niyang si Diego Loyzaga?

“As of now, I’m very open to my mom, pero kapag sobrang open, nag-aaway na po kami. Ha-hahaha! Honestly, yes. Kasi nararamdaman niya kapag may tinatago, so parang mahirap magtago sa mommy. Alam po ni mommy na friends kami,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Ayon naman kay Diego, “Para matapos na po, tita (mommy ni Sofia) knows everything, alam niya po lahat. Kung anong meron man, alam niya ‘yun.”

Maraming matututunan ang mga millennial sa pelikulang “Mama’s Girl”, “Mas mamahalin n’yo po ang inyong mga magulang, especially ang mga nanay, ‘yung respeto sa magulang,” sabi ni Sofia.

May nagtanong na nagiging revealing na rin ngayon si Sofia dahil nag-post na siya sa kanyang Instagram account ng litrato habang naka-bathing suit. Katwiran ng dalaga, “Hindi naman po kita ‘yung boobs ko, hindi rin kita ‘yung puwet ko, so okay lang po ‘yun kumpara sa iba na kitang-kita lahat.”

Pinuri nga raw ni Diego ang photo ni Sofia at sinabihan ang ka-loveteam ng, “Sabi niya, ‘Uy, ganda mo rito, ah!’ Hindi naman siya nagalit. Kapag kita ang cleavage, baka doon siya magalit.”

Balik tanong namin sa dalaga kung may karapatan bang magalit si Diego sa kanya? “Wala po (sabay tawa)! Pero sinasabi po niya na, ‘Sofia ayoko ng post mo, ayoko ng suot mo.’ Or, ‘sure ka ipo-post mo ‘yan? Sure ka hindi mo idi-delete ‘yan?’ Sabi ko naman, ‘Maganda naman, ah?” natatawang kuwento ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Mama’s Girl” sa Enero 17 mula sa direksyon ni Connie Macatuno. Kasama rin dito sina Diego Loyzaga, Karen Reyes, Yana Asistio, Allora Sasam at Jameson Blake mula sa Regal Entertainment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending