Bagong manliligaw ni Erich gwapo na, super rich pa; maraming negosyo

By Reggee Bonoan January 10,2018
share this

Bagong manliligaw ni Erich gwapo na, super rich pa; maraming negosyo

By Reggee Bonoan January 10,2018
share this


NAKAKUHA kami ng link tungkol sa bagong manliligaw ni Erich Gonzales na si Mateo Lorenzo.

Nabibilang nga ang binata sa buena familia at maraming negosyong hinahawakan na pag-aari ng kanilang pamilya.

Guwapo ang batang negosyanteng at kung siya nga ang dumalaw kay Erich noong nagsu-shoot siya para sa MMFF entry na “Siargao” gamit ang private plane ay masasabing no-match nga sa kanya ang mga nakarelasyon noon ng aktres!

Base sa pagsasaliksik namin ay tubong-Davao ang pamilya Lorenzo, nagtapos si Mateo sa Ateneo de Manila University si Mateo sa kursong BS Management Engineering noong 2014 at tumutulong sa family business nila tulad ng Pancake House (siya ang modelo), Dencio’s, Terriyaki Boy at marami pang iba.

Labindalawang magkakapatid sina Mateo, walong lalaki at apat na babae at lahat sila ay mahilig sa sports. Ang isang kapatid niyang si Lucas Lorenzo ay sumali sa body building noong 2014 at nakakuha ng 7th place. Kaya naman nagtayo ng sariling gym si Lucas na Focus Athletics, Train Like a Pro.

Kung sakaling magkatuluyan sina Mateo at Erich ay masasabing masuwerte ang guy dahil marunong din sa buhay ang aktres bukod pa sa matipid ito at puwede siyang makatulong sa business.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending