Erik sa Valentine concert na #paMORE: Pagkatapos nito, pwede na akong mamatay! | Bandera

Erik sa Valentine concert na #paMORE: Pagkatapos nito, pwede na akong mamatay!

Ervin Santiago |January 09,2018
facebook
share this

Erik sa Valentine concert na #paMORE: Pagkatapos nito, pwede na akong mamatay!

Ervin Santiago - January 09, 2018 - 01:05 AM

ERIK SANTOS, OGIE ALCASID, REGINE VELASQUEZ AT MARTIN NIEVERA

MULING magsasama ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa isang bonggang Valentine concert ngayong taon.

This time makakasama nila ang mga OPM artists na sina Martin Nievera at Eric Santos. Titled “#paMORE,” magaganap ito sa Feb. 10 sa Mall of Asia Arena. Ang MORE ay pinagsama-samang initials nina Martin, Ogie, Regine at Erik.

Ayon sa apat na singing idol, marami silang pasabog na production numbers sa concert.

“It’s really a rare thing for someone to be in a cast like this. Sana more pa like this,” ayon kay Martin sa ginanap na presscon ng “#paMORE” kahapon.

Kuwento naman ni Ogie, siguradong throwback pa more ang mangyayari sa Feb. 10 as they perform timeless hits.

“Sa totoo lang hindi pa kami nagmi-meeting pero ang gusto ko sanang i-propose na sinasang-ayunan naman ni Martin ay kumanta kami ng mga kantang minahal ng mga Filipino through the years.

“So isama na natin ‘yung mga lumang-lumang kanta, especially ‘yung mga kantang kinanta ng groups like The Platters, The Jacksons, The Osmonds, Earth Wind and Fire, Carpenters, Bread,” chika ni Ogie.

Para naman kay Erik, dream come true ang concert na ito dahil makakasama nga niya in one stage ang kanyang mga petmalu lodi.

“After po ng concert na ito puwede na po akong mamatay. Isa po itong dream come true for me. Dream come true na ‘yung ‘Royals,’ mas dream come true pa ito kasi iniisip mo lang makakasama mo ang tatlong icons natin sa isang stage ay talagang speechless na ako sobra po,” sey ni Erik, na ang tinutukoy ay ang 2016 concert nila nina Martin, Regine at Angeline Quinto.

“Actually isa ito sa ipinagdasal ko na matagal na panahon, na makasama ko sa stage ang mga tinitingala kong mang-aawit. Ang pagkakataong ito ay hindi dumarating sa lahat. I’m just so grateful and thankful to God na ibinigay sa akin ito. It’s really a good blessing to me,” hirit pa ni Erik.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit naman ni Regine, “Si Erik hindi na ng siya new artist kasi 15 years na siya sa business. He’s such a great singer and alam ko na in this concert malaki ang mako-contribute niya. So I’m really very happy that he is with us.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending