Sofia Andres binalaan ng magulang kay Diego Loyzaga | Bandera

Sofia Andres binalaan ng magulang kay Diego Loyzaga

Jun Nardo |January 09,2018
facebook
share this

Sofia Andres binalaan ng magulang kay Diego Loyzaga

Jun Nardo - January 09, 2018 - 12:25 AM

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

NAWARNINGAN si Sofia Andres ng kanyang mga magulang tungkol kay Diego Loyzaga dahil sa pagiging malapit niya sa aktor. May kaugnayan ‘yon sa pagiging anak ni Diego ng amang si Cesar Montano.

“Hindi ko naman maipagkakailang isa akong Montano. Pero wala namang kinalaman ang pagiging Montano ko sa closeness ko kay Sofia,” rason ni Diego sa presscon ng unang movie nila together ni Sofia na “Mama’s Girl.”

Ayon naman kay Sofia, nakilala ng kanyang parents si Diego. “Pumupunta kasi si Diego sa bahay. ‘Yun naman kasi ang gusto ng parents ko. Ayaw niya ‘yung lumalabas-labas ako. Kaya wala naman silang problema kay Diego,” rason ng dalaga.

Anak ni Cesar kay Teresa Loyzaga si Diego. Sa kanyang ina lumaki ang aktor kaya hindi niya dinidenay na isa siyang Mama’s boy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending