Beauty pahinga muna sa showbiz: Babayaran ko muna ang utang ko sa asawa't anak ko! | Bandera

Beauty pahinga muna sa showbiz: Babayaran ko muna ang utang ko sa asawa’t anak ko!

Ervin Santiago |January 09,2018
facebook
share this

Beauty pahinga muna sa showbiz: Babayaran ko muna ang utang ko sa asawa’t anak ko!

Ervin Santiago - January 09, 2018 - 12:05 AM

PUSONG LIGAW CAST: ENZO PINEDA, ALBIE CASIÑO, BIANCA KING, BEAUTY GONZALES, SOFIA ANDRES, DIEGO LOYZAGA AT JOEM BASCON

MAGPAPAHINGA muna sa trabaho si Beauty Gonzales pagkatapos ng afternoon serye nila sa ABS-CBN, ang Pusong Ligaw na matatapos na ngayong linggo.

Gusto munang pagtuunan ng atensyon ni Beauty ang kanyang pamilya ngayong Bagong Taon, “Rest muna ako kasi isang taon din akong nagtrabaho. Ang dami ko nang utang sa asawa ko, so bayaran ko muna yung utang ko sa kanya at sa anak ko na masungit. Saka siyempre bigyan ko muna ng panahon ang sarili ko.”

Abot-langit din ang pasasalamat ni Beauty sa kanyang asawang si Norman dahil bukod sa napakabuting ama sa kanilang anak ay napaka-supportive rin daw nitong mister, “Kaming dalawa pinapagaan namin ang situation namin.

“Norman is the best thing that ever happened to me. In every way, yun na ang sagot ko. Pinapagaan niya talaga, he’s very supportive, he watched the show everyday, he gives comments.
“Wala na akong ibang mahihiling, gusto ko lang hiling, forty years with me. It’s not a secret na matanda siya sa akin. Yun lang naman ang wish ko every New Year, every year na sana mas humaba pa ang buhay niya,” sey pa ni Beauty sa pa-thanksgiving at farewell presscon ng Pusong Ligaw.

Samantala, may nagtanong naman kay Beauty kung susundan na ba nila this year ang panganay na anak nilang si Olivia. “Wala, ‘no! Siyempre, I mean not now, I can’t promise the next few year, di ko mapa-promise na masasabi ko pa na no in three years, four years, but ngayon and the next year, di talaga.
“One year akong nagtrabaho so one year din akong di nakita ng anak ko.

“Ang unfair naman na mabubuntis ako agad na hindi siya maalagaan saka pati asawa ko, kailangan ko ring bigyan ng panahon. Unfair naman kung buntis agad, di ko man lang napagsilbihan ang asawa ko.

“Ayoko naman buntis ng buntis na di ko nabibigyan ng oras ang sarili ko saka pamilya ko. Baka pagdating ng taon, baliw na ako, di ba? So i-enjoy ko muna itong lahat. Kailagan ko munang alagaan ang sarili ko,” pahayag pa ng Kapamilya actress.

Sa pagtatapos ng Pusong Ligaw, sapat na ba ang pag-ibig para muling mahanap ang tamang landas ng mga pusong ligaw? Hindi n’yo dapat palampasin ang kahihinatnan ng kwento nina Tessa (Beauty), Marga (Bianca King), Caloy (Joem Bascon), Ira (Diego Loyzaga) at Vida (Sofia Andres), mga pusong minsang nalihis ang landas dala ng galit, inggit, at poot.

Tuloy pa rin ang paghahanap nina Tessa at Caloy ng sagot kung totoo bang sina Marga at Leon (Albie Casiño) ang tunay na may sala sa pagkamatay ng ina ni Tessa at Rafa. Nadagdagan pa ang kanilang tanong nang pinili ni Marga na magtago kaysa harapin ang mga kasalanang binibintang sa kanya.

Hindi naman mapakali si Vida kung tatahimik lang siya o sasabihin ba niya kay Caloy at Tessa ang nalamang katotohanang si Jaime (Raymond Bagatsing) ang may tunay na mastermind at pinaikot lamang niya sina Marga at Leon.

Puno man ng galit ang puso, unti-unti nang gumagaan ang loob ni Ira para kay Tessa sa sunod-sunod na nakikita niyang pagpupursige ng ina.

Senyales na ba ito ng pagpapatawad niya sa ina? Ngayong linagay muli sa alinganin Marga ang buhay nina Tessa at Caloy, may puwang pa ba ang kapatawaran sa puso ni Tessa para sa dating kaibigan o tuluyan na niya itong ibaon sa limot?

Huwag palampasin ang huling limang araw ng Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending