Male star hari ng kahambugan, walang ginawa kundi magyabang

By Cristy Fermin January 08,2018
share this

Male star hari ng kahambugan, walang ginawa kundi magyabang

By Cristy Fermin January 08,2018
share this

PINAGPIPISTAHAN ngayon ng kanyang mga kasamahang artista at production staff and crew ang pagiging maldito ng isang male personality.

Hindi siya puwedeng sabihan na may sariling mundo, nakikihalubilo siya sa kanyang mga kasamahan, kaya lang ay angat na angat ang kanyang kayabangan at kamaldituhan.

Ang gusto kasi ng male personality ay palaging siya ang bumibida sa lahat ng kuwentuhan. Palaging siya ang bida, siya ang pinakamagaling, bukod pa sa bukambibig niya ang mga branded stuff niya na wala namang interesado.

Kuwento ng isang source na regular na nasa taping ng seryeng kinabibilangan ng maangas na male personality, “Bakit nga ba ganu’n? Kadalasan, e, maangas ang mga bansutin? Hindi naman lahat, pero karamihan sa mga hindi biniyayaan ng height, e, may kayabangan?

“Itong si ____ (pa-ngalan ng bansuting male personality), isa siya sa mga bahagya nang umangat sa lupa na kung makaporma, e, parang inaangkin na niya ang mundo! May kaangasan siya, maldito!

“Hindi siya makapapayag na mapag-iwanan siya sa kuwentuhan, nakikipag-compete siya, kahit hindi naman ganu’n dapat dahil nagkukuwentuhan lang sila ng mga co-actors niya!

“Ipinagbabanduhan niya ang mga branded stuff niya, ikinukuwento niya na hindi raw siya nagsa-shopping, siya raw ang kinokontak ng mga branded shops kapag may mga new arrivals sila!

“Since napaka-busy raw niya, kahit isang serye lang naman ang pinagkakaabalahan niya, e, nag-uutos na lang daw ng representative ang shop para maipakita sa kanya ang mga new arrivals. Ganu’n siya katindi, di ba naman?

“Ang masakit lang, e, hindi naman siya tinatanong tungkol du’n, siya lang ang sumisingit sa kuwentuhan para lang niya masabi na valued client siya ng mga bran-ded shops, di ba naman kayabangan ‘yun?

“Naku, kung gaano siya kabansutin, e, napakaigsi lang din ng name niya, bagay na bagay sa height niya, kaya kilalang-kilala n’yo na siya, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending