Vhong nagpaalam sa Showtime para tutukan ang may sakit na ama

By Ambet Nabus January 08,2018
share this

Vhong nagpaalam sa Showtime para tutukan ang may sakit na ama

By Ambet Nabus January 08,2018
share this

NAKASALUBONG namin ang isa pang personal fave naming young actress na si Julia Montes sa bakuran ng ABS-CBN.

Fresh na fresh ang aura ng magandang dalaga na super busy ngayon sa promo ng kanyang upcoming teleserye, ang
Asintado.

“Masaya po. Maganda ang pasok ng 2018 and we are hoping na magtuloy-tuloy ang blessings,” sagot nito sa aming pangungumusta.

Nauna na nga si Julia among her contemporaries na sumuong sa mga mapaghamong roles at sa latest niyang soap, ipinagmalaki niyang ibang Julia Montes naman ang mapapanood ng audience.

“Pero siyempre po yung kaba, laging nandiyan. Hindi naman mawawala yun lalo na ngayong papalapit na ang airing ng Asintado. It feels like always a new one,” dagdag pa ng dalaga.

Although hindi na namin siya tinanong sa kanyang lovelife lalo pa’t nabalita nga last year before Christmas na naging sobrang busy si Coco Martin para sa bonding moments nila, si Julia na ang nagsabing maligaya siya ngayon at kuntento sa kanyang personal na buhay at career.

“Steady lang,” makahulugan nitong banggit.

q q q

Nagdiwang naman ng kanyang kaarawan si papa Vhong Navarro last Jan. 4 at nagpaalam muna sa It’s Showtime. Bibigyan niya muna ng panahon ang kanyang amang si Daddy Danilo na nasa ospital pa rin until now.

Na-confine kamakailan ang mahal na ama ng TV host-comedian at worried na worried si Vhong sa kundisyon nito. Lahat nga ng mga kasamahan niya sa trabaho ay nag-alay ng dasal para sa ama nito at sa magandang kalusugan para sa buo niyang pamilya.

We wished for him the same at sinabi nga na-ming nagiging masaya ang madlang pipol kapag masaya siya kaya dapat siyang mas magkaroon ng strength.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending