'Walang magaganap na kasalan sa pagitan nina Ellen at John Lloyd!' | Bandera

‘Walang magaganap na kasalan sa pagitan nina Ellen at John Lloyd!’

Reggee Bonoan |January 08,2018
facebook
share this

‘Walang magaganap na kasalan sa pagitan nina Ellen at John Lloyd!’

Reggee Bonoan - January 08, 2018 - 12:05 AM

JOHN LLOYD CRUZ AT ELLEN ADARNA

MARIING pinabulaanan ni Beauty Gonzales-Crisologo ang balitang ikakasal na ngayong Pebrero ang kaibigan niyang si Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz.

Ayon sa aktres ay walang ganu’n base sa pagkakaalam niya, “Sa totoo lang, if I would know, I will be the first one to know but it’s not true, okay. So, wala akong balita.

“At saka bakit naman nila itatago yon? Masaya sila sa isa’t isa,” sangga ng isa sa lead actress ng seryeng Pusong Ligaw.

Ayon pa kay Beauty, “Nakikita naman ng tao na Ellen posted a photo of Idan (palayaw ni John Lloyd). Hello, are you stupid enough not to understand that they’re together.

“So if they’re gonna get married or not, that’s their decision coz at the end of the day, hindi naman kami pagmamay-ari ng ibang tao, na pagsasabihan kami kung anong nangyayari sa buhay namin.

“Masaya silang dalawa sa isa’t isa and I’m happy for them. I mean, let’s keep it that way kasi hindi nabibili yung happiness mo.

“So, kung masaya sila, hayaan natin silang maging masaya. Wala na nga sila dito sa mundo natin kaya patahimikin na natin sila,” sabi pa ni Beauty.

Wala pa kasing pag-amin mula kina Ellen at Lloydie kaya curious ang mga tao kaya lahat ng post nila sa kani-kanilang social media account ay binabantayan ng publiko.

Nabanggit ding may kinontak na raw na catering sina Ellen at John Lloyd para sa nalalapit na kasal.

“Naku, nakakatawa naman yan. You know what, the family of Ellen owns a catering business. So, ano pa ba? Ano’ng florist, sinong florist? Taga-Dangwa ba? Malapit na ang Sinulog (Enero 21) baka nagpa-flower sila sa bahay nila,” natawang sabi ni Beauty.

Baka naman daw hindi pa talaga siya sinasabihan ni Ellen tungkol sa wedding, “Wala ngang mangyayari (kasalan),” diin niya.

Dugtong pa ni Beauty, “Kasi I mean, like she will tell us and you know what, why will they hide it? Hayaan na natin sila, nananahimik naman na sila, eh.”

Tungkol naman sa posibleng pagkuha sa kanya nina Ellen bilang abay, “Maski ninang pa ako, okay lang. Bakit naman hindi?”

“Magiging ninang na ako sa isang kasal, sa best friend ko, best friend namin ni Ellen ang ikakasal. Magiging ninang kami at ninong kaming dalawang asawa ko, principal sponsor kami,” pahayag pa ng aktres.

Anyway, pinasalamatan lahat ni Beauty ang sumubaybay sa serye nilang Pusong Ligaw sa loob ng siyam na buwan dahil ang ganda ng rating nito kaya na-extend sila ng ilang beses.

Sabi ni Beauty, abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Pusong Ligaw dahil marami pang pasabog na mangyayari lalo na sa karakter ni Raymond Bagatsing bilang si Jaime na hindi talaga titigil hangga’t hindi nakakaganti kina Tessa (Beauty) at Joem Bascon (Caloy) at isinama na rin sina Marga (Bianca King) at Vida (Sofia Andres).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN mula sa Star Creatives.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending