Nadine, James may bonggang pasabog sa 2nd anniversary: Abangan nila 'yan! | Bandera

Nadine, James may bonggang pasabog sa 2nd anniversary: Abangan nila ‘yan!

Jun Nardo |January 07,2018
facebook
share this

Nadine, James may bonggang pasabog sa 2nd anniversary: Abangan nila ‘yan!

Jun Nardo - January 07, 2018 - 12:01 AM

NADINE LUSTRE AT JAMES REID

MASAKLAP ang naranasan ni Nadine Lustre nu’ng nakaraang taon dahil sa maagang pagpanaw ng kanyang kapatid. Nu’ng panahong ‘yon, aminado ang aktres na lubha siyang na-depress kaya naman lubos siyang nagpapasalamat sa boyfriend-loveteam na si James Reid.

“Napakasuwerte ko at nasa tabi ko si James. Siya talaga ang malaking influence sa buhay ko kaya naman heto uli kami para magpasaya ng taong nagmamahal sa amin,” pahayag ni Nadine sa presscon ng “Revolution” concert nila ni James sa Feb. 9 sa Smart Araneta Coliseum.

Pumasok din kasi sa isipan ng aktres ang fans niyang nagmamahal sa kanila at napapasaya nila ni James.

Marami siyang natanggap na words of encouragement kata this year, gusto niyang maging relax sa pagtatrabaho at wag magpa-stress, huh!

Sa Feb. 12 ay second year na nila ni James bilang couple. Sa concert nilang ‘yon inilantad ang kanilang relasyon.

So may bago ba silang announcement this time? “Abangan na lang nila ‘yon!” bulalas ni Nadine.

Bukod sa coming concert, may ginagawa ring movie sina James at Nadine under direk Tonette Jadaone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending