Anak ni Ai Ai kinawawa ng ilang AlDub fans dahil lang sa b-day photo ni Alden | Bandera

Anak ni Ai Ai kinawawa ng ilang AlDub fans dahil lang sa b-day photo ni Alden

Cristy Fermin |January 07,2018
facebook
share this

Anak ni Ai Ai kinawawa ng ilang AlDub fans dahil lang sa b-day photo ni Alden

Cristy Fermin - January 07, 2018 - 12:20 AM


SUNUD-SUNOD ang mensahe sa text na tinanggap namin mula sa mag-iinang Ai Ai delas Alas, Sancho Vito at Sophia. Magkakaiba lang ang tema ng kanilang text pero isa lang ang tinutumbok—pasasalamat.

Matinding pamba-bash kasi ang natikman ni Sophia nang lumabas ang retrato nila ni Alden Richards sa social media. Napakabilis ng paghusga ng ibang tagasuporta nina Alden at Maine Mendoza, mang-aagaw at malandi raw ang anak ng Comedy Concert Queen, nakaangkla lang sa Pambansang Bae ay malandi na agad?

Parang anak na rin ang turing ni Ai Ai kay Alden, parang miyembro na ng kanilang pamilya ang sikat na aktor, kaya dumalo sila sa selebrasyon ng birthday nito.

Pati tuloy si Sancho ay hindi nakapagpigil, umangat ang dugo nito sa ulo sa pagtatanggol sa kanyang kapatid, wala nga namang kalaban-laban si Sophia sa sobrang sakit ng mga salitang ibinabato laban sa kanya ng ilang AlDub fans.

Natural, ina si Ai Ai, doble ang dating sa kanya ng masasakit na salitang ipinakakain kay Sophia ng mga walang magawang fans nina Alden at Maine.

Nananahimik nga naman ang kanyang anak, nagparetrato lang si Sophia sa parang kapatid na rin nitong si Alden, pero ang tindi na ng mga salitang ipinang-upak sa kanya ng ibang AlDub fans.

Hay, naku, kaya nga ba mismong si Maine ay hindi na rin nakapagpigil sa pagbubulalas ng kanyang damdamin tungkol sa mga taong mapangdikta at mapanghusga.

Walang kadala-dala ang mga taong ito. May mapalapit lang sa kanilang idolo ay upak na agad ang aabutin. Mahiya naman sana sila sa kanilang mga pinaggagagawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending