Package di pa dumadating

By Liza Soriano January 06,2018
share this

Package di pa dumadating

By Liza Soriano January 06,2018
share this

HIHINGI po sana ako ng tulong ninyo regarding po sa package na padala ng Tita ko na nasa New Jersey. Here are the details po:

The package was picked up last Aug. 24, 2017 sa New Jersey by Star Kargo, ito ang first time ng Tita ko use Star Kargo eversince LBC po siya nagpapadala;

Full name po ng Tita ko is Verena Dimaculangan sya po ung sender at sa akin po pinadala my full name is Mercedita Obando;

2 pong box ang pinadala ng Tita ko isa sa Makati at isa sa Batangas tracking # 17008509 and 17008510;
I started calling Star Kargo Phil office last November pero wala silang mabigay na information kahit sa website wala silang tracking;

Sabi ni affiliates nila ang Atlas pwede din kami dun mag check pero wala din sa record nila;

Last Dec 4 tumawag ulit ako at binigay nila sa akin ang contact person na si Pia Santos sya daw ang me handle ng New Jersey account her number is 09555938278;

I texted her and she reply na nasa custom na daw ung boxes Dec 26 sabi nya nasa warehouse na daw ung boxes at sa Dec 29 ang delivery;

I called yesterday sa office ulit ng Star Kargo kasi hindi na sumasagot si Pia sa dami ng text messages ko ang nakalagay sa record nila na deliver na dawn g Dec 28;

They called my tita in the US pero wala silang maibigay ng information sa whereabout ng boxes naming; 4 months na ung box namin, ang gulo ng system nila kasi kung kani-kanino kami pinapatawag;
I really need your help sana kung sino pwedeng makausap para maireport o ma trace ung boxes naming. Thank you so much in advance and Happy new year.

Mercy F. Obando
Print Town Group of Companies

REPLY: Nakikipag ugnayan na po ang Aksyon Line sa Star Cargo at agad na ipapabatid ang magiging katugunan nito.

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
q q q
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending