Dennis nagpakatotoo: Walang masama kung mag-live in man kami ni Jennylyn! | Bandera

Dennis nagpakatotoo: Walang masama kung mag-live in man kami ni Jennylyn!

Jun Nardo |January 06,2018
facebook
share this

Dennis nagpakatotoo: Walang masama kung mag-live in man kami ni Jennylyn!

Jun Nardo - January 06, 2018 - 12:05 AM

DENNIS TRILLO AT JENNYLYN MERCADO

BUMALIK na kay Dennis Trillo ang tinagurian niyang TOTGA (the one that got away). Patungkol sa mga past relationship kasi ang tema ng pinagbibidahan niyang series ngayon sa GMA, ang The One That Got Away.

Pero ayaw niyang isipin na puwedeng ipatungkol sa kanya ang the one that got away.

“Hmmm, hindi ko alam. Kasi ang feeling ko, hindi mo sasabihin sa ex mo ‘yon, di ba? Pero siyempre, gusto kong isipin na ‘yun ang sasabihin ng mga past,” bulalas ng aktor sa presscon ng bagong GMA primetime serye.

Napansin ng press ang fresh look ngayon ni Dennis kaya mas lalong lumutang ang kaguwapuhan niya.
Dahilan niya, “Siyempre, kasama ko rito ang tatlong nagseseksihang babae kaya feeling ko kailangang mag-ayos ng konti! At least, maka-level naman ako sa kanila!”

Nitong nakaraang mga araw, nag-post ang girlfriend niyang si Jennylyn Mercado ng mga litrato nila na kuha sa pagbibiyahe nila sa ibang bansa last year.

“Parang nakaka-inspire lang na itong nakaraang taon, marami kaming magandang memories,” sey ng GMA Primetime Drama King.

Ayon kay Dennis, siya naman ‘yung lalaking gusto ring magpakasal. At this point nga lang, ayaw niyang madaliin lahat.

“Pag ganoong bagay, gusto kong mas pinaplano. Hindi ako nagpapadala sa pressure ng ibang tao,” katwiran ng aktor.

Saad pa niya, ayaw niyang bigyan ng deadline ang sarili. Basta ayon kay Dennis, nakatulong ang maturity nila ni Jen upang tumagal ang relasyon.

Pero hind pa ba sila nagli-live in ni Jennylyn? “Hindi pa naman. Ang 80s ng tunog ng live in! Ha! Ha! Ha! Wala namang masama doon. Pero kung sakaling mag-decide kami ng ganoon in the future, wala naman sigurong masama!” diin ni Dennis.

Sa TOTGA, makakaromansa ni Dennis sina Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ito sa Jan. 15 bilang kapalit ng My Korean Jagiya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending