Gambling lord susugal sa telco | Bandera

Gambling lord susugal sa telco

Den Macaranas |January 05,2018
facebook
share this

Gambling lord susugal sa telco

Den Macaranas - January 05, 2018 - 12:10 AM

USAP-usapan ngayon na sasabak na rin sa telecom business ang isang kilalang gambling lord sa Luzon.

Bagaman hindi siya ang direktang kausap ng telecom giant na papasok sa bansa, siya naman daw ang isa sa mga major investors ng negosyanteng magiging ka-partner ng nasabing telco na siyang babasag sa tinatawag na “duopoly”.

Bukod sa ilegal na sugal ay unti-unti na ring nag-divert sa ilang legal na negosyo ang pamilya ng bida sa ating kwento ngayong araw.

Marami na siyang naitayong subdivision at realty companies sa isang lalawigan sa Central Luzon.

Bukod pa ito sa kontrobersiyal niyang partnership sa PCSO kaugnay sa operasyon ng small town lottery o STL.

Sinabi ng aking Cricket na handang magpakawala ng malaking pera si Mr. Gambling Lord dahil tiwala siya na mabilis na maibabalik ang kanyang investment lalo’t may basbas ng Malacanang ang nasabing proyekto.

Bukod pa ito sa kaibigan niya ang negosyanteng ka-partner ng telecom giant na maglalagak ng investment sa telecom industry sa bansa.

Aabutin ng $2 bilyon ang halaga ng nasabing proyekto kaya maraming mga investors ang kailangang kausapin ng kaibigan ni Mr. Gambling Lord.

Hindi nga lang malinaw kung magkano ang pakakawalang pera ng ating bida pero sinabi ng aking Cricket na hindi ito magpapahuli dahil sa dami rin ng kanyang pera na itataya sa naturang proyekto.

Bago ang telecom project ay naglagay rin si Mr. Gambling Lord ng investment sa isang malaking car dealership na nag-ooperate naman sa Northern Luzon.

Ang gambling financier na susugal ng malaki sa isa sa mga major project ng pamahalaan sa larangan ng telecommunication ay si Mr. P…as in Pera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending