Sylvia may gustong matutuhan sa Bagong Taon: Sana matuto akong maglagay ng kilay! | Bandera

Sylvia may gustong matutuhan sa Bagong Taon: Sana matuto akong maglagay ng kilay!

Reggee Bonoan |January 05,2018
facebook
share this

Sylvia may gustong matutuhan sa Bagong Taon: Sana matuto akong maglagay ng kilay!

Reggee Bonoan - January 05, 2018 - 12:05 AM

SYLVIA SANCHEZ KASAMA ANG MGA KALIGA SA BALIK-ALINDOG PROGRAM

NADAGDAGAN ng 15 lbs. ang timbang ni Sylvia Sanchez nitong nakaraang holiday season.

Kaya naman kailangan daw niyang pagtuunan muli ng pansin ang pagbabawas ng timbang dahil hirap na siyang kumilos sa araw-araw na taping ng teleserye niyang Hanggang Saan sa ABS-CBN.

Simula nitong Martes habang wala siyang taping ay sabak agad siya sa kanyang balik-alindog program sa Ultra.

Ayon sa post ni Ibyang sa kanyang Facebook account, kahit na 9 a.m. pa ang call time sa kanya sa Ultra ay nandoon na siya ng 5 a.m, “9am call time? No problem!!! Time management, 5am Ultra, no excuses!

Need to lose weight. Around this time solo ko ang ultra and I love it!! #elmamurostraining #blainemedinastraining #actorslife #happyandcontet #career #beautedermambassadress #happiness #grateful #thankuLORD Happy morning!”

Magiging mas abala ngayong 2018 si Ibyang dahil bukod sa taping niya para sa Hanggang Saan ay magiging busy na rin siya sa promo ng pelikulang “Mama’s Girl” kasama si Sofia Andres ngayong Enero, 17 na opening salvo ng Regal Entertainment mula sa direksyon ni Connie Macatuno at sa panulat ni Gina Marissa Tagasa.

Gagawa rin ng indie movie si Sylvia sa ilalim ng IdeaFirst Company bilang entry nila sa 2018 Cinemalaya Film Festival.

“Sobrang blessed ako nu’ng 2017 at ngayong 2018 ang daming blessings na dumarating pati sa pamilya ko at sa mga anak ko na sina Arjo at Ria. Abangan mo ang mga next projects nila,” kuwento ng aktres.
Natawa naman kami nang sabihin ni Ibyang kung ano pa ang wish niya ngayong 2018.

“Gusto kong matuto kung paano maglagay ng kilay, hindi kasi ako marunong. Marunong na akong magplantsa ng buhok ngayon kaya bumili na ako ng pangplantsa. Minsan kasi may biglaang lakad kami, wala akong tagaayos ng buhok at taga-make up, kaya napipilitan akong ako na lang lahat.

“Kaya itong paglalagay ng kilay ang gusto kong matutunan ngayong Bagong Taon. Ha-hahaha!” tumawa pero seryosong sagot niya sa amin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, nagpapasalamat ng marami si Sylvia sa lahat ng sumusuporta sa serye nilang Hanggang Saan kasama ang anak na si Arjo Atayde at sina Ariel Rivera, Teresa Loyzaga, Ces Quesada, Yves Flores, Nanding Josef, Arnold Reyes, Rommel Padilla, Sue Ramirez at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending