Sam minalas uli sa lovelife, single na naman | Bandera

Sam minalas uli sa lovelife, single na naman

Reggee Bonoan |January 03,2018
facebook
share this

Sam minalas uli sa lovelife, single na naman

Reggee Bonoan - January 03, 2018 - 12:40 AM


ISA pang magiging bisi-bisihan ngayong 2018 ay ang aktor-singer-producer-editor na si Sam Milby dahil wala na rin itong lovelife. Hindi na nagbigay ng paliwanag ang Kapamilya hunk kung bakit sila naghiwalay ng TV host-blogger-model na si Mari Jasmine.

Baka suwerte kay Sam ang Year of the Dog (simula Peb. 16) dahil magiging abala nga siya sa kanyang career this year. Ngayong first quarter na ng taon ipalalabas ang pelikula nila ni Yassi Pressman mula sa Viva Films at IdeaFirst, ang “Pambansang Thirdwheel” pero ang balita namin binago na raw ang title ng movie na idinirek ni Ivan Andrew Payawal.

Ang Bright Bulb Productions house na itinayo nina Sam, John Prats at Angelica Panganiban ay maraming nakalinyang projects ngayong 2018 kaya excited ang magkakaibigan dahil ito ang unang venture nila bilang mga negosyante.

Music videos na idinidirek ni John ang ine-edit ni Sam habang si Angelica naman ang tumatayong production manager kaya nakakatuwa dahil division of labor ang tatlo. Sa kani-kanilang bahay muna sila nag-oopisina para mag-meeting at ipinagagamit naman ni Samuel sa grupo ang kanyang recording studio.

Anyway, nitong nakaraang Pasko ay kasama ni Sam na nagdiwang sina Erik Santos at Angeline Quinto para sa show nila sa New York, USA. Nakasama rin nila roon ang Cornerstone managers sa pangunguna ni Erickson Raymundo.

Magulang naman ng aktor ang kasama niya nitong Bagong Taon dahil tumuloy siya ng Ohio pagkagaling ng NYC, “Travel home to Ohio & surprise the parents for Christmas – Success,” ang caption ni Sam sa isang photo niya sa Instagram.

At sa unang araw ng Enero ay nag-post naman si Sam ng kanyang litrato habang naka-look up na may caption na, “Hello 2018.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending