MayWard, LizQuen nag-bonding sa Paris; IG video patok sa netizens | Bandera

MayWard, LizQuen nag-bonding sa Paris; IG video patok sa netizens

Ervin Santiago |January 02,2018
facebook
share this

MayWard, LizQuen nag-bonding sa Paris; IG video patok sa netizens

Ervin Santiago - January 02, 2018 - 12:40 AM

EDWARD BARBER, MAYMAY ENTRATA, LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

NAG-BONDING nang bonggang-bongga ang dalawang Kapamilya loveteam sa tinaguriang City of Love, ang Paris.

Tuwang-tuwa ang fans nina Liza Soberano at Enrique Gil at mga followers nina Maymay Entrata at Edward Barber nang mapanood ang mga ipinost na video ng apat na youngstars sa Instagram.

Kuha ang nasabing video sa Avenue Des Champs-Elysees, isa sa mga lugar sa Paris kung saan gumala ang LizQuen at MayWard loveteams. Kitang-kita sa video kung gaano kasaya ang apat sa paglilibot nila sa nasabing lugar.

In fairness, ilang oras lang matapos mai-upload ang video ng dalawang magka-loveteam ay umani na ito ng sandamakmak na likes at views. Very vocal sina Maymay at Edward sa pagsasabing idol na idol nila ang LizQuen kahit noong nasa loob pa sila ng PBB house.

Sa Europe nag-celebrate ng Christmas ang LizQuen kasama ang kanilang respective families habang lumipad naman patungong Germany sina Maymay at Edward para doon mag-Pasko kasama ang pamilya ng binata.

Isinabay na rin doon ang pictorial ng MayWard para sa isang magazine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending