Kim may hugot sa ugali ng mga tao at aso | Bandera

Kim may hugot sa ugali ng mga tao at aso

Reggee Bonoan |January 02,2018
facebook
share this

Kim may hugot sa ugali ng mga tao at aso

Reggee Bonoan - January 02, 2018 - 12:30 AM

GERALD ANDERSON, KIM CHIU, JAKE CUENCA AT COLEEN GARCIA

ANG saya-sayang tingnan ng mga Instagram post ni Kim Chiu na kuha sa holiday vacation nila ni Xian Lim. Isa pala sa mga pangarap ni Chinita Princess ang masaksihan ang Northern Lights sa Finland at makapag-ski kasama ang mga naggagandahang huskies.

Naalala tuloy namin ang foreign movie na “Eight Below” ni Paul Walker na ipinalabas noong 2006 dahil may parehong kuha sina Kim at Xian na kapareho ng sa namayapang aktor.

Post ni Kim, “Husky sleigh ride on a -19deg C was supperrr fun!!! #bucketlist #kimadvenchiure. What a beautiful world it would be if people had hearts like dogs. C. Schulz.”

Samantala, hinahanap naman namin ang post ni Gerald Anderson na kasalukuyang nasa ibang bansa rin kasama si Bea Alonzo pero wala kaming nakita. Marahil ayaw muna nilang i-share sa publiko ang kanilang private moments.

Wala rin kaming nakitang post ni Coleen Garcia na umalis din ng bansa nitong nakaraang holiday.

Marahil ay bisi-bisihan na sila ng fiancé niyang si Billy Crawford sa pag-aasikaso sa kanilang kasal nila sa Abril, 2018.

Si Jake Cuenca naman ay narito lang sa Pilipinas, kasama ang mga kaibigan nitong nagdaang Pasko.

Pawang cast ng seryeng Ikaw Lang ang Iibigin ang binanggit namin dahil sinamantala nila na wala na silang nabiting trabaho dahil tapos na ang taping nila, sabi mismo ni direk Dan Villegas.

Curious kami kung paano tatapusin ang kuwento ng ILAI dahil sa kasalukuyang episode na umeere ngayon ay nabugbog si Gabriel (Gerald) dahil sa kagagawan ng mag-amang Rigor (Daniel Fernando) at Carlos (Jake).

Ninakaw kasi ni Carlos ang diamonds na pag-aari ng sindikato at papatayin silang mag-ama kapag hindi ito na-recover kaya naman gumawa ng paraan si Rigor para hindi sila saktan. Inilagay niya ang mamahaling bato sa kotse ni Gabriel.

Mabuti na lang at nakaligtas si Gabriel sa mga bumugbog sa kanya. Samantala, inakala naman nina Rigor at Carlos na patay na si Gabriel kaya todo ang pagsasaya nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ipinangako naman ni Gabriel babalikan niya ang mga taong gustong magpapatay sa kanya at suportado naman siya ng amang si Roman. Magtagumpay kaya siya sa pinaplanong paghihiganti?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending