Derek naniniwala pa rin sa kasal: Pero kailangang paghandaan ko para tumagal! | Bandera

Derek naniniwala pa rin sa kasal: Pero kailangang paghandaan ko para tumagal!

Reggee Bonoan |December 31,2017
facebook
share this

Derek naniniwala pa rin sa kasal: Pero kailangang paghandaan ko para tumagal!

Reggee Bonoan - December 31, 2017 - 12:25 AM

DEREK RAMSAY AT JOANNE VILLABLANCA

KAHIT hindi pa nananalo si Derek Ramsay ng Best Actor para sa pelikulang “All Of You” bukod sa Best Screenplay at 3rd Best Picture sa nakaraang MMFF awards night ay pinipilahan na ito simula nang magbukas ang taunang festival noong Dec. 25.

Sa mga sinehang napuntahan namin tulad ng Gateway Mall, Trinoma, Robinson’s Magnolia at Eastwood Mall ay hindi nawawalan ng pila sa entry nina Derek at Jennylyn Mercado. Binanggit din sa amin ng mga takilyera na nasa 60-90% ang mga taong nasa loob.

Kaya ang sabi namin, naglalaro na sa 3rd o 4th place ngayon ang pelikulang “All Of You” ng Quantum Films, Globe Studios, MJM Productions at Planet A Media.

Hmmm, mukhang blessing in disguise rin na si Derek ang pumalit kay Jericho Rosales sa movie dahil nasungkit uli nito ang Best Actor trophy kaya nakakadalawa na ang partner ni Jen sa MMFF. Una siyang nagwaging best actor para sa “English Only Please” (2014).

‘Yun nga lang hindi naka-score si Jennylyn ngayong taon dahil ang nagwagi ngang Best Actress ay si Joanna Ampil (Ang Larawan). First time nanalong best actress si Jen sa MMFF para sa “English Only Please” at ikalawa naman sa “Walang Forever”.

Samantala, dahil sa success ng “All Of You” ay mukhang magiging permanent co-producer na ng Quantum Films, MJM Productions at Planet A Media ang Globe Studios.

Ayon sa hepe nito na si Direk Quark Henares nu’ng huli naming makakuwentuhan, “Testing the waters muna kung kikita kaya maliit lang ang sosyo namin ngayon.” Na ang hula namin ay 20% lang ang share.
Anyway, tinext namin si Atty. Joji Alonso ng Quantum Films habang tinitipa namin ang balitang ito para batiin at alamin na rin kung break even o kumita na ang pelikula nila sa MMFF pero hindi kami sinagot.

q q q

Samantala, naniniwala pa rin si Derek Ramsay sa kasal kahit na nga inamin na niyang nagli-live in na sila ng kanyang girlfriend. Ito ang sinabi niya sa panayam ng Tonight With Boy Abunda.

“I have the best and perfect marriage to follow. My parents have been married for over 40 years…I just want to be prepared so that my marriage will last like my parents,” aniya.

Nauna na niyang sinabi na napag-uusapan na rin nila ng kanyang model-girlfriend na si Joanne Villablanca ang kasal, “She’s definitely the type that wants to get married. And I think the whole part of her moving in is steps towards that direction.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending