'Lahi' ni Alden sa showbiz kakaunti na lang | Bandera

‘Lahi’ ni Alden sa showbiz kakaunti na lang

Ambet Nabus |December 31,2017
facebook
share this

‘Lahi’ ni Alden sa showbiz kakaunti na lang

Ambet Nabus - December 31, 2017 - 12:05 AM

 

ALDEN RICHARDS

BAGO matapos ang taon ay “nagpasabog” naman ng blessings si Alden Richards sa ibinigay niyang thanksgiving paandar sa kanyang mga kaibigan sa entertaiment media.

Ginanap ito sa Concha’s Garden sa Tomas Morato, QC, kung saan co-owner ang Kapuso heartthrob. Ibinalita ng binata na plano nilang magpa-franchise ng kanilang restaurant ngayong 2018.

Pinoy food ang specialty ng Concha’s at dahil yun ang aming paborito, wala kaming pagkain na sinukuan during the party! Lafang kung lafang! Ha-hahaha!

Umapaw ang food and drinks at mga giveaways plus siyempre ang pa-raffle ni Alden. Bilib kami sa Pambansang Bae dahil isa siya sa iilang celebrities na marunong magpasalamat sa mga taong nakakatulong sa kanya at hindi nakakalimot sa mga kaibigan niya sa media. Kumbaga, kakaunti na lang ang “lahi” niya sa showbiz.

Kararating lang ni Alden mula sa kanilang family vacation sa Japan kung saan nakapag-recharge siya nang bonggang-bongga matapos ang tuluy-tuloy na trabaho. Naghahanda na raw siya for his commitments next year, kasama na riyan ang paggawa ng pelikula at mga bagong projects sa GMA.

“Gusto ko lang po talaga kayong personal na mapasalamatan, makita, makasama bago man lang matapos ang 2017. Actually before Christmas pa dapat natin ito ginawa, pero pare-pareho po tayong busy.
“Sa lahat po ng magagandang pi-nag-samahan natin ngayong 2017, sobrang thank you po talaga and sana this 2018, ganu’n pa rin o mas maging masagana pa,” sey ng guwapo at mabait na aktor.

Next issue na namin ise-share sa inyo ang iba pang napag-usapan namin ni Alden dahil sa totoo lang, kahit “lotlot” (talo) kami sa raffle, feeling winner pa rin kami dahil sa kabaitan at sinseridad ng Pambansang Bae.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending