Best actor award ni Derek sa MMFF 2017 inireklamo | Bandera

Best actor award ni Derek sa MMFF 2017 inireklamo

Cristy Fermin |December 31,2017
facebook
share this

Best actor award ni Derek sa MMFF 2017 inireklamo

Cristy Fermin - December 31, 2017 - 12:10 AM

 

TINANGHAL na best actor ng MMFF si Derek Ramsay. Maligaya siyempre ang hunk actor, kaya lang ay maraming hindi masaya para sa kanyang tagumpay, mas maraming pabor na nanalo sana sina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa.

Umarte naman si Derek sa paraang alam nito, pero para sa higit na nakararami ay sina EA at Joross ang dapat pinarangalan bilang best actor, dahil ang ipinakitang pagganap ng dalawang aktor ay hindi mapapantayan ng ipinakitang pag-arte ni Derek Ramsay.

Ganu’n talaga, kani-kanyang bet ‘yan, hindi ngayon at si Derek ang tumanggap ng tropeo ay tapos na ang kuwento, siyempre’y may mga aangat para maglabas ng kanilang mga opinyon at saloobin, hindi nakuha ni Derek ang isandaang porsiyentong pagsang-ayon ng publiko.

Sabi nga ni prop, “Nakakahon lang ang acting na alam ni Derek, bigyan mo siya ng ibang role at siguradong bokya na siya! Hanggang du’n lang naman siya, umiikot lang sa lalaking iniwan ng karelasyon, ganu’n-ganu’n lang!

“Sige, gawin nga niya ang ipinakitang acting nina EA at Joross kung kakayanin niya? Pero ang role na ipinanalo niyang best actor, e, kayang-kayang itawid ng dalawang tinalo kuno niya!” maasim ang Bagong Taon ng kaibigan naming propesor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending