Maymay nag-Pasko sa Germany kasama ang pamilya ni Edward | Bandera

Maymay nag-Pasko sa Germany kasama ang pamilya ni Edward

Ervin Santiago |December 28,2017
facebook
share this

Maymay nag-Pasko sa Germany kasama ang pamilya ni Edward

Ervin Santiago - December 28, 2017 - 12:01 AM


NATUPAD na ni Maymay Entrata ang isa sa mga pangarap niya: ito ay ang makarating sa bansang Germany.

Tuwang-tuwa ang PBB Lucky Season 7 Big Winner nang ma-experience niya ang Christmas sa Germany kasama pa ang kanyang ka-loveteam at “best friend” na si Edward Barber.

Kitang-kita sa mga litrato nina Maymay at Edward ang kaligayahan noong Pasko kung saan nakasama rin nila ang pamilya ng binata.

Sa isang litrato na ipinost ni Edward sa Instagram na kuha sa Germany kung saan kasama niya si Maymay, ito ang inilagay niyang caption: “I don’t want much for Christmas! Just the person reading this to be healthy, happy and loved!!! Merry Christmas from Germany!!!”

Meron ding photo ang MayWard kasama ang pamilya ng binata. As expected, sandamakmak na likes na naman ang nakuha ng mga MayWard photos sa IG at libu-libo rin ang nag-comment. Siyempre, kilig na kilig na naman ang kanilang mga fans na umaasang sa tunay na buhay ay maging sila na nga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending