'Pusong Ligaw' marami pang pasabog sa nalalapit na pagtatapos | Bandera

‘Pusong Ligaw’ marami pang pasabog sa nalalapit na pagtatapos

|December 26,2017
facebook
share this

‘Pusong Ligaw’ marami pang pasabog sa nalalapit na pagtatapos

- December 26, 2017 - 12:30 AM

DIEGO LOYZAGA AT SOFIA ANDRES

PATINDI na nang patindi ang mga eksena sa pinag-uusapang afternoon series ng ABS-CBN na Pusong Ligaw.

At sa nalalapit na pagtatapos nito, sunud-sunod na ang mga mas maiinit pang eksena matapos ngang patayin ni Jaime (Raymond Bagatsing) ang anak na si Rafa (Enzo Pineda) dahil nabuking na nito ang pagsasabwatan nila nina Marga (Bianca King), at Leon (Albie Casino).

Si Ira (Diego Loyzaga) ang unang nakakita sa bangkay ni Rafa kaya siya ngayon ang magiging pangunahing suspek sa pagkamatay ng kaibigan dahil sa pagiging magkaribal nila nito sa puso ni Vida (Sofia Andres).

Ngayong nakakulong na, paano lilinisin ni Ira ang pangalan kina Tessa (Beauty Gonzales), Caloy (Joem Bascon) at Vida? Malaman pa kaya nina Tessa at Caloy na pinaiikot pa rin sila ni Jaime?

Huwag palampasin ang mas umiinit pang mga tagpo sa nalalapit na pagtatapos ng “Pusong Ligaw” pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending