Pasabog na ending ng Pusong Ligaw inaabangan na ng madlang pipol | Bandera

Pasabog na ending ng Pusong Ligaw inaabangan na ng madlang pipol

Reggee Bonoan |December 24,2017
facebook
share this

Pasabog na ending ng Pusong Ligaw inaabangan na ng madlang pipol

Reggee Bonoan - December 24, 2017 - 12:20 AM

 

JOEM BASCON, BIANCA KING, BEAUTY GONZALES AT RAYMOND BAGATSING

SA nalalapit na pagtatapos ng seryeng Pusong Ligaw ay mas umiinit pa ang mga tagpo matapos patayin ni Jaime (Raymond Bagatsing) ang anak na si Rafa (Enzo Pineda).

Dahil sa planong pagsiwalat ni Rafa sa nalamang sabwatan nina Marga (Bianca King), Leon (Albie Casiño) at Jaime kaya’t agad siyang pinatahimik ng ama-amahan.

Nataon namang si Ira (Diego Loyzaga) ang unang nakakita sa kaibigan kaya naman sinamantala ni Leon ang pagkakataon at pinalabas na siya ang pumatay kay Rafa.

At dahil nakulong si Ira sasamantalahin ito ni Jaime para maging hero siya sa paningin ng binata at sinabing naniniwala siyang wala itong kasalanan kaya naman agad nakabalik si Ira sa kanyang pamilya.

Naniniwala rin sina Tessa (Beauty Gonzales), Caloy (Joem Bascon) at Vida (Sofia Andres) na walang kinalaman si Ira. Ngunit ang ipinagtataka nila ay kung bakit naroon ang binata sa lugar kung saan pinatay si Rafa.

At dahil nag-iimbestiga na rin si Vida sa pagkamatay ni Rafa lalo’t may iniwang susi sa kanya ang binata bago namatay, malalagay sa panganib ang kanyang buhay sa kamay ni Jaime na nagbigay na ng warning kay Marga na pagsabihan ang anak or else may mangyayari sa dalaga. Sa huling episode na napanood namin ay nawawala na ang dalaga.

Kaya huwag bibitaw sa nalalapit na pagtatapos ng Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending