Angelica, Sam binabalahura ang isa't isa, posible nga bang magka-inlaban? | Bandera

Angelica, Sam binabalahura ang isa’t isa, posible nga bang magka-inlaban?

Reggee Bonoan |December 24,2017
facebook
share this

Angelica, Sam binabalahura ang isa’t isa, posible nga bang magka-inlaban?

Reggee Bonoan - December 24, 2017 - 12:15 AM

JOHN PRATS, ANGELICA PANGANIBAN AT SAM MILBY

BEST friends sa tunay na buhay sina Sam Milby, John Prats at Angelica Panganiban at kamakailan nga ay nag-level up na ang friendship ng tatlong Kapamilya stars dahil nagtayo na rin sila ng sariling negosyo, ang Bright Bulb Productions.

Si John ang na-assign magdirek ng music video, si Sam naman ang in-charge sa editing at si Angelica ang tumatayong production manager.

At dahil wala pa silang sariling opisina ay sa bahay muna ni Angelica minsan ginagawa ang meeting at paper works ng grupo at sa bahay naman ni Sam sa The Fort ang editing.

Ang first project ng Bright Bulb ay ang music video ng singer na si Moira dela Torre titled “Malaya” na idinirek nga ni John at meron na itong more than 2.6 million views sa YouTube. Ang bida sa music video ay sina Sam at Angelica na gumaganap sa magdyowang naghiwalay na.

Maraming netizens ang nakapansin na panay ang halik ng aktres sa binata. May nagkomento na bagay daw maging magkarelasyon ang dalawa.

Kaya kinukulit namin ang handler ni Sam na si Caress Caballero kung posibleng maging sina Sam at Angelica since pareho naman silang single.

“Imposible birthmate kasi nagbabalahuraan lang sila as in, magkaibigan lang talaga sila. Walang malisya ‘yung biruan nila,” ani Caress.

Bakit puwede namang magkadebelopan ang magkaibigan, di ba bossing Ervin? (Naman! Korak na korak Regs! Baka nga naman sila pala ang itinakda! – Ed)

Anyway, pinanood namin ang music video ni Moira at parang hindi baguhang direktor si John, ang gaganda ng shots. At maganda rin ang pagkaka-edit ni Sam.

Ang ikalawang music video naman na ipinrodyus ng Bright Bulb ay ang bagong single ni Kyla na may titulong “Only Gonna Love You” at “Fix You And Me” with JC de Vera na ilalabas naman sa Enero 2018.

At kung hindi magbabago ang plano ay ipalalabas na rin ang pelikula nina Sam at Yassi Pressman produced by Viva Films na idinirek ni Ivan Andrew Payawal.

Sa Enero 2018 din ipalalabas ang “Dalawang Mrs. Reyes” nina Judy Ann Santos at Angelica mula sa direksyon ni Jun Lana under Quantum Films, Idea First Production at Star Cinema.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending