Mariel naniniwalang magiging 1st Fil-Am president si Baby Isabelle | Bandera

Mariel naniniwalang magiging 1st Fil-Am president si Baby Isabelle

Alex Brosas |December 23,2017
facebook
share this

Mariel naniniwalang magiging 1st Fil-Am president si Baby Isabelle

Alex Brosas - December 23, 2017 - 12:25 AM


NAGPAPASALAMAT si Robin Padilla dahil patuloy pa rin ang dyowa niyang si Mariel Padilla sa pagpupursige nitong makarating siya sa America.

“Sa ngalan ng nag iisang Panginoong MayLikha ang pinakamapagpala at ang ang pinakamahabagin.

AMERICAN DEMOCRACY KATIPUNAN taas ang kamay ko sa aking asawa, hindi ka talaga sumuko para masolusyonan ang isyu ng Mistaken Identity.

“Napakagandang karanasan ang aking pinagdaraanan akoy sumasailalim sa HABA at laki ng KAMAY ng UNITED STATES of AMERICA. Napakahusay ng aking abogado at nasabi niya lahat ang mga KATWIRAN kung bakit kailangan pagbigyan ng kanilang pamahalaan si Mariel sa kahilingan na una ay malinis ang aking Pangalan pangalawa ay makilala ko ang kanyang AMA na katulad niya at ng aking mga anak na sina Camille at Isabella ay Amerikano.

“Maraming pangarap si Mariel para kay Isabella lalo sa pag aaral nito sa America dahil nakikita niya raw na si Isabella ang magiging unang Filipino-American President! una natural born doon at pangalawa Mana sa kanya. Ano man ang maging resulta nitong panibagong hakbang ni ginoong Michael Gurfinkel at ni ginang Mariel Padilla sa kanilang gobyerno sa USA ay nagpapasalamat na ako dahil binigyan ako ng oras ng mga taga US embassy.”

That was his caption sa kanyang Instagram post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending