Ai Ai awang-awa kay Julie Anne, grabe kung alipustahin ng mga fans nina Alden at Maine | Bandera

Ai Ai awang-awa kay Julie Anne, grabe kung alipustahin ng mga fans nina Alden at Maine

Cristy Fermin |December 23,2017
facebook
share this

Ai Ai awang-awa kay Julie Anne, grabe kung alipustahin ng mga fans nina Alden at Maine

Cristy Fermin - December 23, 2017 - 12:20 AM


SA isang panahon na dapat sana’y nagpapakasaya siya sa Japan bilang honeymoon nila ng kanyang mister ay nabulabog pa rin ang Comedy Concert Queen para ipagtanggol ang kanyang kaibigang si Julie Anne San Jose.

Pinepersonal ngayon ng ibang tagahanga ni Maine Mendoza ang singer-actress, nakababahala ang bira ng mga ito kay Julie Anne, samantalang nananahimik lang naman ‘yung tao.

At nakaladkad pa sa isyu si Ai Ai delas Alas, siya raw ang matchmaker nina Julie Anne at Alden Richards, matagal na raw niyang gustong maging magkarelasyon ang mga kaibigan niya.

Kung matatandaan, nang maglabas ng saloobin si Maine Mendoza tungkol sa mga taong malapit sa kanya na walang alam kundi ang magdikta ay nag-post ng kanyang reaksiyon ang sikat na komedyana.

Ang komento ni Ai Ai, “Go, go, go, Maine!” Sinang-ayunan niya ang opinyon ng Dubsmash Queen na nagrereklamo laban sa mga tagahanga nito na palaaway at gusto na itong hawakan sa leeg.

Naaawa si Ai Ai kay Julie Anne na wala namang kasalanan, hindi naman nito inaagaw si Alden kay Maine, pero kung alipustahin ng ibang tagahanga ng dalaga ay ganu’n na lang.

Meron ba kasing inagawan! Inaagaw ba ang isang lalaking libre naman at walang karelasyon?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending