Aktor halos mamalimos ng puwesto

By Den Macaranas December 22,2017
share this

Aktor halos mamalimos ng puwesto

By Den Macaranas December 22,2017
share this

KUNDI lang daw niya idol pagdating sa pagganap sa mga pelikula ay matagal na raw niyang tinabla ang isang dating sikat na aktor.

Ito ang sinabi ng isang Cabinet member na malapit kay Pangulong Duterte.

Halos araw-arawin daw kasi ng isang dating sikat na aktor si Mr. Cabinet Secretary sa pag-follow up kung meron na siyang magiging pwesto sa kasalukuyang administrasyon.

Bukod sa Optical Media Board ay target rin ng dating sikat na aktor na maipwesto siya sa alinmang government owned and controlled corporation o GOCC.

Halatang purdoy na ang dating bida dahil wala na rin siyang mga projects ngayon sa pelikula man o maging sa telebisyon.

Noong nakaraang eleksyon ay sumabak rin sa pulitika ang ating bida pero siya’y inalat dahil hindi naman talaga siya residente doon sa lugar na kanyang tinarget na paglingkuran.

Hindi iyun ang unang kabiguan niya sa pulitika dahil dati na rin siyang tumakbo bilang vice mayor pero natalo rin.

Sa ngayon ay busy ang aktor sa pagpunta sa mga events na pinupuntahan ng ating pangulo.

Sinabi ng aking Cricket na minsan ay naaawa na siya sa ating bida dahil daig pa raw niya ngayon ang isang extra sa pelikula na nagpapakabibo para lamang mapansin ng pangulo.

Ito ay sa pag-asa syempre na kahit paano ay mabibigyan siya ng posisyon sa pamahalaan tulad ng ibang mga artista na ngayon ay nasa public service na.

Sa nakaraang mga byahe ng pangulo sa labas ng bansa ay kasama rin ang aktor na ayon sa ilang mga nakakakita ay kulang na lang ay maging tagadala ng mga maleta.

Kunsabagay ay wala naman siyang gastos sa nasabing mga junkets kaya okay lang na bumiyahe siya pero pera naman ng bayan ang ginagastos sa mga biyaheng ito na kasama siya.

Ang aktor na mistulang namamalimos ng pwesto sa pangulo ay si Mr. P….as is Philadelphia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending