Kawatan at buraot

By Lito Bautista December 22,2017
share this

Kawatan at buraot

By Lito Bautista December 22,2017
share this

PAGSUSUGAL at paglalasing ang larawang nakadikit sa mga pastol sa Bethlehem, mga magnanakaw, nabuburyong, nabuburaot. Iyan an Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 9:1-6; Slm 96; Ti 2:11-14; Lc 2:1-14) ng Misa sa Hatinggabi sa Pasko ng Pagsilang ng Panginoon.

Pero, ang magnanakaw na mga pastol ang unang nilapitan ng sinag na naging anghel para ibalita ang pagsilang ni Jesus at hindi ang presidente o mga lider. Sadyang ganyan kung kumilos ang Panginoon. Ang Pasko ay para sa masasamang agad na umaamin ng kasamaan, at hindi sa nagbabanal-banalang makapangyarihan at mayayaman sa nakalipas at kasalukuyang administrasyon.

Sadyang ganyan kung kumilos ang Panginoon. Ipinakikita Niya sa mga adik, lalo na sa Galilee Home sa Dona Remedios Trinidad, Bulacan, at mga presidenteng Aquino at Duterte ang kanilang kasamaan. Sa Galilee rehab ng mga adik at lulong sa alak, nagbabago sila pagkatapos masinagan. Sa mga kawatan, naka-shades sila at di masisilaw ng sinag.

Sa madaling salita, ang pakay ng sanggol na Jesus sa hiram sa sabsaban (di naman sa kanya ito; at di nakakain ang tupa’t baka habang nakahiga Siya rito) ay para sa tayong makasalanan at mapagmalabis. Sisingilin din ang mga “shop until they drop,” matatakaw sa pagkain, alak, musikang walang saysay, sayawang kalaswaan at laman ng pagnanasa.

Maging ang simbahang Katolika ay may bahid din. May mga parokya, sa sulsol ng kanilang mga pari, ay tuliro’t lito sa tunay na seremonya. Wala sa mensahe ng pag-asa, habag at pagpapatawad ang Pasko. Ang Pasko ay para panibaguhin ang lumabas, at nawaglit, sa kabanalan.
Di ba nakapaninindig-balahibo na nang isilang si Jesus ay magnanakaw ang unang sumilip sa Kanya at nang Siya’y mamatay ay magnanakaw ang huling nakausap Niya?

Tila mahirap panibaguhin ang mahihirap na inangkin, at sumama, sa demonyo. May mga may kaya (midclass) at mayayaman na nagbago nang mapagtanto nila na ang perang kanilang hawak noon ay hiram lang pala, tulad ng sabsaban, at ngayo’y kailangan nang manginain ng mga baka’t tupa, at angkinin ang kanilang sabsaban.

Napakaraming matatalino, lalo na nang naging opisyal sila ng gobyerno na ang bumubuhay ay mahihirap, ang ibinagsak, base sa Misteryo ng Luwalhati, sa Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen, sa Ebanghelyo ni San Lucas. Noon, ang tanong: nasaan si Marcos? Ngayon, nasaan si Aquino? Wala na si FM; si Aquino, nagsisimula pa lang ang pagdurusa sa mga humahabol ng hustisya.

Isinilang na mayaman. Noong makapangyarihan pa, namnam ang lahat ng luho: papasok sa Shangri-La Makati sakay ng mamahaling apat na van para lamang maghapunan ($550 bawat isa). Pagbaba sa sasakyan, apat na unipormadong katulong, anim na security (bukod pa ang apat na “advance”). Halos yumuko sa pagbati ang nakasalubong na papalabas na mga may-ari ng mga banko, mall, eroplano’t barko. Ngayong Pasko, sa bahay na iilang palamuti’t kutitap ng ilaw na lang ang pagsasalo.

Nakakita na ng liligawan ang destabilizers, ang Navy. Di ginawa ni Marcos ang pagsibak sa mataas na opisyal ng isang uniformed command; si Duterte lang. Di magandang pamasko sa mga masasagasaan pero peligrosong Bagong Taon sa hukbo. Dapat malinaw ang paliwanag ni Digong at detalyado ang imbestigasyon.

Lumalaganap ang tumbok-motor, o kiss motor. Nag-impisa bilang usap-usapan sa repair shops, hanggang sa nabasa sa fb. Ang promotor ay mga driver ng pampasaherong jeepney sa Pritil, Herbosa, Tayuman at Divisoria. Ididikit nila ang bumper ng jeep sa likod ng sinusundang motor sa crawling traffic, saka aatras. Kokomprontahin ng rider ang driver, at sasabihin ng driver na may distansiya. Umpisa na ng sagutan, na hahantong sa away. Walang damage ang motor kaya walang kaso.

PANALANGIN: Ipag-adya Mo kami sa dilang masama, amen.
qqq
MULA sa bayan (0916-5401958): Dito sa Barangay 12 at 13, Cagayan de Oro City, mas gusto naming small traders ang martial law. Dahil sa martial law, mismong kotong cops ay huminto. Sa aking tindahan, parating may weapon carrier ng Army. Kaya dili maglapit ang pulis. …9945

Tulugan mo kami presidente. Patay ang pamilya ng aking kapatid sa Biliran. Elsie, ng Barangay San Antonio, Ormoc City. …1256

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending