Anak ni Albert pinagbawalang dumalaw kay Amalia Fuentes ang pamilya nina Aga at Niño | Bandera

Anak ni Albert pinagbawalang dumalaw kay Amalia Fuentes ang pamilya nina Aga at Niño

Cristy Fermin |December 19,2017
facebook
share this

Anak ni Albert pinagbawalang dumalaw kay Amalia Fuentes ang pamilya nina Aga at Niño

Cristy Fermin - December 19, 2017 - 12:25 AM


KILALANG kuyog ang pamilya Muhlach. Kontra kaninuman ay magkakampi sila. Mahirap kalabanin ang pamilya dahil walang inuurungan ang kanilang itinuturing na pangalawang nanay na si Ms. Amalia Fuentes.

Bedridden na ang aktres pagkatapos siyang ma-stroke sa ibang bansa.

Matagal siyang naospital hanggang sa magdesisyon siyang magpauwi na lang sa kanyang bahay para du’n na magpalakas.

Malayang nakadadalaw sa aktres ang kanyang mga kapatid na sina Alex at Cheng Muhlach pati ang kanilang mga anak na sina Aga at Niño.

Pero nakagugulat ang balitang lumabas na hindi na nila madadalaw ngayon si Tita Nena, pinagbawalan diumano sila ni Alfonso Martinez, anak nina Albert at Liezel (SLN).

Nalaman din ng pamilya ang impormasyon na si Alfonso na ang tagapamahala ngayon ng lahat ng mga ari-arian ni Ms. Amalia Fuentes, napakalaking insulto nu’n sa magkakapatid, lalo na’t wala naman silang

anumang hinahabol sa mga propyedad ng kanilang ate.

Sana nga ay magkaroon ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang panig, ngayon mas nangangailangan ng pagmamahal si Tita Nena, mas nakikita niya ang kanyang mga mahal sa buhay ay mas lumalakas siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending