3 opisyal ng isang ahensiya numero uno sa junket

By Bella Cariaso December 17,2017
share this

3 opisyal ng isang ahensiya numero uno sa junket

By Bella Cariaso December 17,2017
share this

HINDI kaya alam ni Pangulong Duterte na ang tatlong mataas na opisyal ng isang ahensiya, kabilang na ang kalihim nito ang numero uno sa junket at habang isinusulat ang kolum na ito, nasa ibang bansa na naman ang Secretary at malamang kasama na naman ang isa pang opisyal na lagi niyang buntot sa kanyang mga biyahe sa iba’t ibang bansa.

Bago ang pagsibak ni Digong sa chairperson at apat na commissioner ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), umasa ang marami na ang isang pinuno na ng departamento, ang kanyang undersecretary at isang assistant secretary na lagi niyang kasama sa mga junket ang susunod na masasampulan ng Presidente sa kanyang kampanya laban sa mga government executives na umi-style para makapagbiyahe ng libre.

Sinabi ni Pangulong Duterte na pitong beses na nag-junket ang sinibak na si dating PCUP chair Terry Ridon pero tiyak kong konti pa ito kumpara sa head ng ahensiya at mga minyon nito.

Magbanggit ka ng mga bansa at halos lahat ng mababanggit mo ay napuntahan na ng tinaguriang “three stooges” ng isang ahensiya.

May pumapang-apat pa nga sa tatlo, bagamat etsa pwera na ang kontrobersiyal ding opisyal sa mga junket nitong huli dahil feeling ng pinuno ng ahensiya na banta ang dating ka-buddy sa kanyang ambisyon.

Balik tayo sa tatlong opisyal, napapaikot nila ang pondo ng ahensiya kaya’t kahit kailan nila gustong mag-junket ay pwedeng-pwede.

Balitang unang bahagi pa lamang ng taon ay ubos na ang pondo ng ahensiya. Kaya hindi lamang halata ay dahil sa may napakalaking pondo silang pinagkukunan at doon nila kinukuha ang budget.

Magkakaalaman sa 2018 dahil wala nang gagatasang ibong pondo ang tatlong opisyal kundi ang budget ng departamento para sa papasok na taon.

Dapat alamin din ng Commission on Audit (COA) kung saan napunta ang bilyong-bilyong pondong inilaan ng gobyerno para sa katatapos lamang na pagtitipon dahil hanggang ngayon ang pondong natira sa naturang pinagkagastusan ang inuubos ng mga opisyal na mahilig sa junket.

Hindi pa rin natinag ang tatlong opisyal sa mga junket sa kabila naman ng ipinalabas na memorandum ni Executive Secretary Salvador Medialdea na naglalayong higpitan ang mga junket ng mga opisyal ng pamahalaan.

Hindi kaya nakakarating kay Digong ang ginagawa ng mga opisyal? Dapat ay may magbulong kay Special Assistant Secretary (SAP) Bong Go sa ginagawa ng mga opisyal para makarating sa Pangulong Duterte.

Gusto po ba ninyo ng clue? Hindi ata kailangan ng clue ng Kalihim na binansagang “tarsier”. Titigan nyo ang opisyal at tiyak kong gets nyo na ang tinutukoy ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending