Ang Anak na ba ng Amo ang makakatuluyan? (2) | Bandera

Ang Anak na ba ng Amo ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield |December 17,2017
facebook
share this

Ang Anak na ba ng Amo ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield - December 17, 2017 - 12:15 AM

Sulat mula kay Bhea ng Poblacion, San Quitin, Pangasinan
Problema:
1. Ang problema ko po ay ganito, may karelasyon po ako siya ay ang bunsong anak ng lalaki ng amo ko. Mag-iisang taon na ang lihim naming relasyon, na hindi alam ng mga amo ko. Ako po sa ngayon ay katulong at tindera sa kanilang grocery. At sa totoo lang mahal na mahal ko po siya at mahal na mahal nya rin po ako at marami ng beses na may nangyari sa amin. 21 na po ang edad ko at siya naman ay 22.
2. Ang problema tutol sa pag-iibigan namin ang mga magulang nya, kaya madalas nyang sabihin sa akin na mag-ingat na lang daw kami. Kasi noon pa daw siya pinagsasabihan ng Mom niya na lumayo sa akin dahil kung hindi daw ay palalayasin na lang daw ako dahil nga ayaw ng Mom niya na magkaroon kami ng relasyon at noon ngang nakakahatala na ay pinagsabihan na siya. Kaya pag nandito ang Mom nya hindi talaga kami nag-uusap.
3. Ano po ba ang dapat kong gawin, sabi naman ng boyfriend ko kapag daw ako pinalayas ng Mom nya hahanapin nya daw po ako at magkikita pa din naman daw kami? Itatanong ko lang po kung kami na po ba ang magkakatuluyan at compatible po ba kami kahit na maraming tutol sa aming pagmamahalan? February 5, 1996 ang birthday ko at October 9, 1995 naman ang birthday nbg boyfriend ko.
Umaasa,
Bhea ng Pangasinan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) at Libra naman ang boyfriend mo ay nagsasabing sadyang compatible kayo dahil ang Aquarius at Libra ay kapwa pinangingibabawan ng elementong air o hangin. Ibig sabihin, dahil compatible kayo sa zodiac sign o sa astrology malaking ang tsansa na kayo na ang magkakatuluyan.
Numerology:
Ang nakatutuwa hindi lang kayo sa zodiac sign compatible, sa hlaip ang birth date mong 5 ay sadyang tugma din sa birth date na 9 ng boyfrioend mo. Ibig sabihinb lumalaki ang tsansa na kayo na nga ang magkakatuluyan at sa sandaling kayo na nga ang nagkatuluyan, may pangako ng isang masaya, masagana at pang habang buhay na relasyon.
Luscher Color Test:
Upang magtuloy-tuloy ang suwerte kahit na tutol ang mga magulang ng boyfriend mo sa relasyon ninyo, lagi kayong gumamit ng kulay na silver at pula. Ang nasbaing kulay ang hahatak ng dagdag pang suwerye at magagandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Bhea ayon sa iyong kapalaran walang makahahadlang sa nakatakda. Kayo na ng boyfriend mo ang magkakatuluyan kahit tumuttol pa ang mga magulang niya. Pero ang talagang mangyayari, sa simula lamang tututol ang mga magulang niya, dahil kapag nabuntis ka na at nakapanganak, at nakita nila ang kanilang maganda at cute na apo, matutuwa sila at papayagan na ang inyong pagmamahalan. Hanggang sa bigyan kayo ng sariling negosyo na mga biyenan mo na pangangasiwaan nyo, na mapapalago nyo naman mag-asawa ang nasabing negosyo, hanggang sa tuloy-tuloy ng lumigaya, at maging pang habang buhay na ang inyong mayaman at masaganang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending