Sunshine Dizon walang simpatya sa mga kabit: Marami namang lalaki sa mundo! | Bandera

Sunshine Dizon walang simpatya sa mga kabit: Marami namang lalaki sa mundo!

Jun Nardo |December 17,2017
facebook
share this

Sunshine Dizon walang simpatya sa mga kabit: Marami namang lalaki sa mundo!

Jun Nardo - December 17, 2017 - 12:35 AM

SUNSHINE DIZON

HINDI nagkamali si Sunshine Dizon nang ipagpalit niya ang unang sinamahan na remake ng Encantadia para sa GMA afternoon series na Ika-6 Na Utos na inabot na ng mahigit isang taon sa ere at patuloy pa ring pinanonood ng televiewers.

“Hindi naman ako nahirapan mag-decide. Actually, ang GMA, pag pinapagawa sa akin na drama, nagkakataon na palaging ganoon. It’s either ipu-pull out ako for another or new show pero kadalasan, parang biglaan.

“Kasi when we did Bakekang noon, if I am not mistaken, nasa Captain Barbell yata ako. Basta nagkakataon. They think of something na kailangan si Shine ang gumawa nito. Nagkagulo nga yata sa Enca nang i-pull out ako. They had to rewrite two weeks of script. Ha! Ha! Ha!” paliwanag ni Sunshine nang ipa-interview ng PPL Entertainment, ang kanyang management.

Kahit sinabing close to her heart ang kuwento ng series, hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ‘yon, as we all know, lumaban si Shine sa umano’y mistress ng kanyang estranged husband na nauwi pa sa demandahan.

Pero ngayon, all is well na raw sa kanila ng asawang si Tim. Katuwang na niya ang asawa sa pagpuno ng kakulangan niya sa mga anak dahil sa trabaho.

***

Habang ginagawa ang series, nagkaroon ba siya ng simpatya sa mga kabit?

“Hindi! Ha! Ha! Ha!” mabilis niyang sagot. “To be honest, marami naman tayong kakilala sa all walks of life. Ako personally, meron kong kakilala na parang naging cause ng break up ng isa ring kakilala.

“Umiwas ako. Hindi ko keri. I don’t want to be associated with certain people that I know caused a lot of pain para sa maliliit na bata, sa pamilya. Kasi okay lang kung single o hiwalay. ‘Yung ganoon.

“Pero kung alam mong may asawa, may pamilya, unless hindi mo talaga alam o niloko ka ng lalaki na single siya. That’s a different story. Pero ‘yung alam mong may pamilya, hindi ko maatim magkaroon ng sympathy. Hindi ko keri talaga.

“Kasi feeling ko, marami namang lalaki sa mundo! Hindi ka mauubusan, Day!” diin niya.

Sa ngayon, co-parenting ang sitwasyon nila ng asawa para sa dalawang anak.

“I am okay with that kasi pro-family. ‘Yung mga anak ko, okay naman. Masaya sila. Nakakasama nila ‘yung dad nila. Sometimes, Tim and I, we still go out as a family. Dinner. We attend school events as a family, I am okay with that. Kasi masaya ang mga anak ko.

“Pero ‘yung sasabihin mong mong mababalikan ulit, as husband and wife, sa akin wala pa ako sa point na ‘yon.

“Hindi kami super friends. I mean we’re very civil. Kumbaga, puwede mo kaming makita ni Tim sa labas at isiping nagkabalikan kami. Pero hindi po. Were just being civil and perfect ‘yung term na co-parenting kaming dalawa,” diin ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong Pasko, kumpleto ang pamilya ni Shine. Kasama nila si Tim sa biyahe nila sa Amerika hanggang Jan. 1 at aprubado ito ng kanyang mga anak at ama na nasa States.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending