Coco nahiyang makipaghalikan kina Mariel at Kylie sa bagong 'Panday' | Bandera

Coco nahiyang makipaghalikan kina Mariel at Kylie sa bagong ‘Panday’

|December 16,2017
facebook
share this

Coco nahiyang makipaghalikan kina Mariel at Kylie sa bagong ‘Panday’

- December 16, 2017 - 12:05 AM

MARIEL DE LEON AT COCO MARTIN

PINALAKPAKAN at binati ng kanyang mga kapwa-artista pati na rin ng entertainment media ang Teleserye King na si Coco Martin pagkatapos ng celebrity screening para sa MMFF 2017 entry na “Ang Panday”.

Nag-enjoy ang lahat ng nakapanood sa filmfest entry ng CCM Film Productions at Viva Films to be distributed by Star Cinema. Ang nagkakaisang komento ng mga showbiz reporter ay pasadung-pasado agad si Coco sa una niyang pagdidirek.

Hindi lang kasi humataw sa akting si Coco sa pelikula, nagpakitang-gilas din agad siya sa napakagandang production at pagkakadirek nito na akala mo’y matagal nang gumagawa ng maaksyong pelikula.

Mapapanganga ka rin sa ganda ng special effects ng “Ang Panday” lalo na sa ginawa nilang kaharian ng mga diwata at lugar ng mga duwende na inspired sa mga hobbits ng “Lord of The Rings”. Ayaw nang sabihin ni Coco kung magkano ang nagastos nila sa effects ng movie, pero sa pagkakaalam namin, talagang milyones na ang inabot sa CGI pa lang.

Hindi masyadong mabigat ang pelikula dahil sa nakakatuwa at nakakatawang karakter ni Coco bilang isang tigasin sa kanilang lugar ngunit mapagmahal na kuya sa mga batang lansangan na inampon ng kanyang lolo at lola.

Punumpuno ng aksyon ang bagong version ng “Panday” na unang pinasikat ni Da King Fernando Poe, Jr., lalo na sa bandang ending kung saan umaatikabong sagupaan na ang nangyari sa pagitan ni Flavio III at Lizardo na ginampanan ni Jake Cuenca. Hindi na kami nagulat sa napakagaling na atake ni Jake bilang kontrabida sa pelikula. Inaasahan na talaga namin na itotodo rin niya ang lahat para maging effective villain kay Coco.

May kurot naman sa puso ang drama moment ni Coco at ng kanyang anak-anakan na si Awra Briguela na isa sa mga ampon nilang bata. Marami ang naluha sa eksena kung saan nalaman ni Flavio na naging aswang na rin Awra dahil nakagat ng kampon ni Lizardo.

q q q

Pagkatapos ng matagumpay na celebrity screening, natanong si Coco kung bakit wala siyang kissing scene sa dalawang leading lady niya sa pelikula – ang mga beauty queen na sina Kylie Verzosa at Mariel de Leon.

May isang eksena lang si Coco kung saan hinalikan siya ni Kylie sa pisngi, “Beso lang po. Well, nahiya din po ako (na makipaghalikan). Pero beso lang ‘yun. Siguro mga tatlong takes yun,” ani Kylie.

Sey naman ni Coco, hindi na nila pinush na magkaroon sila ng halikan ni Mariel bilang respeto na lang sa mga magulang nitong sina Christopher de Leon and Sandy Andolong.

“Isa na rin siguro ‘yun kaya hindi na lang. Siyempre nahihiya ako. Siyempre ipinagkatiwala sa akin ni tito Boyet and tita Sandy si Mariel. Gusto ko na kapag napanood nila, mapa-proud sila sa anak nila,” paliwanag pa ng Teleserye King.

Reaksyon naman ni Mariel, “For me kasi I’m not that experienced with acting, so it was a bit weird to be that close to someone that I don’t know that well. Pero after a few minutes, I was very comfortable na kasi super bait ni Coco.”

“Every scene, he wanted me to look good. He wanted me to push myself in terms of acting, especially ‘yung mga crying scene,” dagdag pa ng dalaga.

Hinding-hindi kayo magsisisi kapag pinanood n’yo ang “Panday”, sulit na sulit ang ibabayad n’yo sa sinehan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ito sa Dec. 25 bilang bahagi nga ng MMFF. Kasama rin sa movie sina Gloria Romero, Eddie Garcia, Jaime Frabregas, Julio Diaz, at ang Kapamilya loveteam na sina Elisse Joson at Mccoy de Leon na nagbigay-kilig naman sa movie kaya siguradong ikaliligaya ito ng kanilang mga fans.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending